BEA's POV
"Galit ka?" tinignan ako nang masama ni Jho, habang tinatanggal niya sa plastic ang mga dala ni Kianna na pagkain. "Love..."
"Hindi nga. Kulit naman nito." TInalikuran niya ako para kumuha ng bowl. Para naman akong bata na nakasunod lang sa likod niya. "Alam mo Bea, hindi ko na mabilang ilang beses kang nagtanong niyan. Kung tinutulungan mo ako, mas mabilis tayong matatapos dito."
Bumalik siya sa lamesa at sumunod lang ulit ako. Pero bigla akong napaatras nang lumingon siya sakin habang nakapamewang pa at nakataas ang kilay.
"At tsaka, ikaw ang nag-invite sa kanila di'ba? Kaya ikaw ang mag-asikaso sa mga bisita mo." Mataray na pagkakasabi niya at akmang tatalikuran niya na naman ako nang bigla ko siyang yakapin.
Nakasubsob ang kanyang mukha sa pagitan ng balikat at dibdib ko habang nagpupumiglas na makaalis sa yakap ko. I comb her hair softly to calm her down. Which I think worked, kasi hindi na niya ako tinutulak.
"Sorry na please. I was so excited kaya hindi ko napansin na sa GC ko pala nasend instead na kay Kianna lang." I check her face but she's still glaring at me. I cup her face with both my hands and force a smile on her lips. "Don't you want to bond with your friends too? Masosolo mo pa rin naman ako kahit nandiya-- ouch!."
I didn't even finish what I'm saying because her foot was too quick to hit my shin. My hands were still on her face so I leaned in to kiss her forehead. Pagkatapos ay niyakap ko siya and this time, hindi na niya ako tinutulak.
"That hurts but I'll allow it because I love you." She pinched my waist and I laugh "Sorry na please.. Don't worry, I'll help you clean everything once were done."
Hindi siya sumagot pero naramdaman kong niyakap niya na rin ako kaya napangiti nalang ako. I know Jho, hindi naman sa ayaw niya na nandito sila ate Ella. She just doesn't want hosting an event sa bahay nila dahil una, baka raw maistorbo si lola. Pangalawa, nakakapagod dahil siya ang madalas mauutusan since bahay niya 'to. Pangatlo, mahirap daw malasing sila ate Ella at Deanna. Kung maingay na sila kapag hindi nakainom, mas malala raw kapag may kasama ng alak.
"Nag-iingat pa ako sa pagmamaneho, sa inggit lang pala ako mamamatay."
Saba'y kaming lumingon ni Jho kay ate Ella at sa madrama niyang pangbungad sa amin.
"Hayaan mo at isang araw, matutuluyan ka rin." Sagot naman ni Jia habang tinatapik siya sa balikat. Kasunod nila si Kianna at Deanna na pana'y ang tawa dahil naghahampasan na 'yong dalawa.
Mabilis kong hinalikan si Jho habang hindi sila nakatingin kaya napailing nalang siya. "Bati na tayo ha?"
"Oo na. Tumulong ka na dito bago kita awayin talaga."
Pagkatapos magbardagulan nila Jia at ate Ella ay isa'isang lumapit kay Jho para bumeso. Tumulong sila sa pag-aayos at dahil maganda ang panahon ngayon ay naisipan nilang sa garden kami pumwesto.
We set up a blanket on the ground and place everything there, like a picnic style.
Of course, I'm sitting beside Jho, and on her right was ate Ella, Kianna, and Deanna. Jia went to the bathroom so she's still not here.
"Ju, here!" I tap the place on my left when she got back. Wala na rin namang ibang pwesto since nakaupo na silang lahat. "Wala kang training today?"
I ask and she shook her head. She was reaching for the tissue near Jho so I quickly help her, since mas abot ko naman.
"Thanks." she smiled "Wala pa kaming training. Next week pa."
![](https://img.wattpad.com/cover/81918329-288-k121871.jpg)