Chapter 11

1.9K 68 11
                                    

Bea's POV

"So how are you and Rex?" I bump my shoulder to Kianna as we were walking.

"Walang kami, Beatriz. Shut up" inirapan niya ako saka nilagay ang wheat bread sa cart. It's sunday and grocery day namin, kaya we're here sa supermarket.

"Wala pa? Bagal naman ni Rex" I shook my head at agad niya naman akong binatukan.

"Bakit? How are you and Jho?" Tinaasan niya ako ng kilay bago ngumisi "...and Jia" she continued kaya it's my turn to roll my eyes.

She's teasing me with Jho and Jia since friday. Hindi ko na nga lang pinapatulan kasi ako lang naman ang naiinis.

"Get that fresh milk" turo ko sa shelf sa tabi niya. Tinawanan niya ako at sinunod din naman ang sinabi ko.

"Ang pikon mo"

"What? Pikon pa rin? Hindi na nga kita pinapatulan eh"

She hugged me sideways habang tumatawa pa rin. Tuloy lang naman ako sa pagtulak sa cart while checking kung ano pang kulang sa listahan namin.

Maya-maya pa, huminto siya sa harap ng mga baking ingredients. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at kinuha ang isang box ng flour. Pinakita niya ito sa akin na parang bata.

"I missed seeing you in the kitchen. Ipagluto mo naman ako ng favorite ko" nag-pout pa siya kaya napangiti nalang ako

"Lagi naman akong nagluluto ng lunch and dinner natin ah. Even breakfast nga eh!" Sagot ko kaya nagpadyak pa siya na parang bata.

Kumapit siya sa braso ko at hinihila-hila pa ako kaya di ko na mapigilang hindi matawa. Ang lakas makatawag sakin ng baby pero siya naman ang mas isip bata sa amin.

"You know that's not what I'm talking about" yung kaninang nakakapit sa braso ko, naging yakap na ulit. Tinatawanan ko lang siya habang sinisiksik niya ang mukha niya sa bandang kili-kili ko na parang pusa. "Bake me some cookies. Namimiss ko na yun"

"Akala ko ba diet ka?"

"One cookie won't hurt! Hindi naman agad ako tataba dahil lang sa konting sweets. Sige na kasi, babe. Please."

Kianna is always like this whenever she's asking for something. Sobrang clingy, sobrang pabebe. Tapos kapag naglalambing siya, she calls me 'babe'. Kaya kami napagkakamalan eh.

I shook my head while smiling. Hindi ko naman siya matatanggihan kapag gusto niya talaga. Spoiled yan sakin eh.

"Okay, pick the ingredients"  Bigla na lamang siyang sumigaw ng 'yes' kaya tinakpan ko yung bibig niya. I saw people looking at us kaya napayuko ako. "Ano ka ba? Don't shout! Maraming tao dito"

"Sorry" nag-peace lang siya sakin bago humalik sa pisngi ko. Maya-maya pa kinuha na niya kung anong mga kailangan sa favorite cookie niya. She knows the ingredients by heart. She don't even need a list for that.

I was just watching her ng biglang may tumawag sakin.

I turn around to see who it is.

"Bea! Sabi ko na ikaw yan eh"

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon