💙💙💙
"Ok. Enjoy. And please Kianna, dinner lang. Uuwi ka ng condo, aantayin kita. Goodbye!" Hindi ko na inantay ang sagot niya at binaba ko na ang tawag. Naimagine ko ang mukha niyang galit kaya natawa ako ng mahina.
"Bakit ka po tumatawa?" Tanong sakin ni pau-pau habang naglalakad kami
"Huh? Ah wala lang. May sinabi lang yung kaibigan ko"
"Ano pong sinabi?"
"Hmmm" yumuko ako sa harap niya bago sumagot "Sabi niya, pag may batang makulit daw na tanong ng tanong, dalhin ko daw sa kanya para mapagalitan niya"
"Ah.. sige po hindi na ako magtatanong" natawa naman ako ng bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko at lumipat ng kabilang side. Natakot ata.
"Joke lang, pau. Tara na ulit dito" natatawa pa rin ako lalo na ng umiling-iling siya
"Ayaw ko po. Dito nalang ako kay ate Jho"
Napatingin ako kay Jhoana at umiiling lang siya habang nangingiti rin ng konti.
"Tinakot mo"
"Hindi ko naman po sinasadya" natawa nalang kaming dalawa.
We are currently walking papunta sa bahay nila Pau-pau. It's 5 in the afternoon kaya medyo dumidilim na. Medyo malayo pa raw kasi ang bahay nila dito sa playground, well di naman ganon kalayo, but it's a 5 minute walk.
Kianna called me at sinabing inaya daw siyang lumabas ni Rex para mag-dinner. Ang bestfriend ko, syempre hindi matago ang kilig, nagtanong pa kung anong susuotin niya. I told her to wear her most daring dress and she began cursing me. Ako ba naman tanungin eh alam naman niyang puro kalokohan lang alam ko sa mga ganyang bagay.
"Ayun na po yung bahay namin ate Bea!" Sigaw ni pau-pau at lumipat na ulit siya sa gitna namin ni Jhoana. Parehas naming hawak ang kamay niya habang patalon-talon pa siyang naglalakad. "Bukas po ulit ha?"
Ngumiti naman ako sa kanya.
"I'm not sure. Pero susubukan ko ha? Kung wala akong gagawin pupunta ako dito" ngumiti naman siya sakin. Pagkatapos ay hinila niya ang kamay ko para mapayuko ng kaunti. Agad niya akong niyakap ng mapalapit na ko sa kanya.
This little girl is too sweet, I used to be like her.
"Thank you, ate Bea." Bumitaw siya sa yakap at lumipat naman kay Jhoana "Bye ate Jho, bukas naman po"
"Matulog ng maaga ha? Tuturuan kita magbasa bukas"
The kid nod and went inside their house. Pinanood lang namin siyang makapasok bago kami maglakad paalis ni Jhoana.
"How old is she?" I ask as we walk.
"Si pau? 6 years old na siya"
"Hindi ba siya nag-aaral?"
"Hind eh" you can hear in her voice na bigla siyang nalungkot. Napatingin tuloy ako sa kanya habang naglalakad "Lima silang magkakapatid. Iniwan na sila ng papa niya kaya hindi pa sila kayang pag-aralin ng mama niya."
Napayuko siya habang naglalakad. Nakatingin lamang ako sa kanya ng bigla niya akong tignan. I feel concious na para bang kailangan may masabi ako kahit ano..
"That's.... sad." I said and she smiled saka tumingin na ulit sa daan.
"Kaya nga tinuturuan ko nalang siya magbasa at magsulat. Para kahit papano hindi naman siya mapagiwanan ng mga ka-edad niya"