Chapter 2

3K 96 11
                                        

💙💙💙

"How are you, ija? Are you okay there?"

I nod and smiled at her. There's so much concern in her voice.

"I'm fine here, mom. No need to worry at all. Besides, Kianna is here with me naman po"

She happily nod. "That's good to hear"

I just smiled at her. She's not my mother though, it's Kianna's actually. But since palagi ko naman silang nakakasama, tinuring ko na rin siyang nanay ko. She even insist na mommy na ang itawag ko sa kanya. Parang anak niya na rin naman daw ako.

Wala kasing kapatid si Kianna, kaya when she introduced me to her parents as her friend, tuwang-tuwa sila na finally may makakasama na raw ang anak nila.

"Aalis ka ba?" Kianna asked ng mapansin niya sigurong nag-aayos ako sa harap ng salamin. Sasagot na sana ako pero nagsalita ulit siya "Ooh. No need to answer. Alam ko na pala"

She rolled her eyes at hinayaan ko nalang siya. I reach for my shades, car keys, wallet and phone. Sinabit ko muna yung shades sa harap ng shirt ko.

"I'll just go somewhere, K. Babalik din ako agad"

She looked at me, raising a brow.

"Somewhere? Talaga? As if naman hindi ko alam kung saan ka pupunta Beatriz"

"Exactly. Alam mo na nga saan, I don't have to explain myself." I walk infront of her "I'm going now. Bye K" I kissed her cheeks and went outside.

Bago ko pa masara yung pinto nagsalita siya.

"Let's just hope for your luck today. Ingat"

Nag-thumbs-up ako bago tuluyang lumabas ng unit namin.

Sana nga swertehin ako. Sana makita ko siya.

Habang nag-d-drive ay pinagmamasdan ko ang paligid. Ang dami ng nagbago. 10 years ago,sobrang simple lang ng lugar na to, pero ngayon puro building na ang nakikita ko. Matagal na talaga simula ng umalis ako.

I stop my car at a convenient store. Bumili ako ng zesto at cheese cake. I remember her saying that she loves this. Ito raw palagi ang baon niya sa school. Sana talaga magkita kami ngayon.

Dumiretso na din agad ako sa lugar kung saan kami unang nagkausap. Hindi man kami nagkita pero nagkausap kami. Masaya ako noon kapag nakakatanggap ng sulat sa kanya. Siya lang ang dahilan kung bakit pa ako tumatawa noon. Silang dalawa lang ni Kianna ang kaibigan ko, kaya hindi pwedeng hindi kami magkita. Hahanapin ko siya. Kahit anong mangyari, hahanapin ko siya.

Huminto ako sa pamilyar na lugar at hindi muna bumaba ang kotse. Pinagmasdan ko ang bahay sa aking harapan. Malaki ito at malawak ang bakuran pero bakas na ang kalumaan sa bahay. Halatang wala ng nakatira dito.

Napadako ang tingin ko sa mailbox na kupas na rin ang kulay at pintura. "Nakuha kaya niya?" Bulong ko sa sarili ko bago ako bumuntong hininga.

Inipon ko lahat ng aking lakas bago ako lumabas ng sasakyan para lumapit sa maliit na mailbox. Isang malalim na paghinga muli ang aking pinakawalan bago ko ito dahan-dahang buksan.

Yuyuko na sana ako para silipin kung nandito pa ba ang sulat na iniwan ko ng biglang may magsalita sa likod ko.

"Uh.. miss? Excuse me?"

Napatalon ako sa gulat dahil sa kanya, agad ko siyang nilingon ng may magkasalubong na kilay. Pero agad ko rin itong binawi ng makita ko ang mukha niya. Ang ganda. Bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ko siya.

"Anong kailangan mo?" Tanong niya habang sinisilip ang mailbox sa likod ko.

"Ikaw" agad akong natauhan sa sagot ko ng kumunot ang noo niya "I mean, ikaw? Anong kailangan mo sakin?"

"Wala. Pero basta wag kang papasok sa bahay na yan ha"

"Bakit?" Tanong ko at napakamot siya sa ulo.

"Basta" sagot niya at tumalikod na sa akin. Paalis na sana ito ng magtanong ako.

"Diyan ka ba nakatira?" Tanong ko kaya napalingon siya sakin.

"Hindi"

"Eh bakit bawal ako pumasok jan?"

"Bakit ba ang dami mong tanong?"

"I'm just curious" nagkibit-balikat ako saka ngumiti sa kanya.

"Curiousity kills" sagot nito sakin bago tuluyang tumalikod at umalis.

Napangiti nalang ako at napailing.

"Sungit" bulong ko sa sarili bago ako bumalik sa ginagawa ko. Sinilip ko ang mailbox at may nakita akong sulat.

Excited ko'ng kinuha iyon pero agad din akong napasimangot ng makita ko'ng iyon din ang sulat na iniwan ko kahapon.

"Maybe next day?" Mahina kong bulong sa sarili ko. Iniwan ko ang isa pang sulat na ginawa ko kagabi. Sana mabasa na niya.

Umalis na rin ako agad pero bago ako pumasok ng sasakyan ay lumingon akong muli sa mailbox. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko na naman yung babaeng masungit.

Nginitian ko siya pero nakatingin lang siya sakin. Ahm. It's a little creepy, I guess?  Imagine, isang abandoned house, may isang babae na nakatayo di kalayuan dito habang nakatitig sakin.

Hindi naman ako matatakutin kaya ng naglakad siya palapit sakin ay muli ko siyang nginitian.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya sakin kaya napakunot ang noo ko. "Kapag sinabi mo kung anong pangalan mo, sasabihin ko din kung bakit bawal pumasok sa bahay na yan"

Napangiti naman ako sa alok niya. Hindi dahil sa malalaman ko tungkol sa bahay, napangiti lang ako kasi ang cute niya kapag nakataas ang kilay niya.

"Bea" simpleng sagot ko "Ikaw?"

Nag-iwas siya ng tingin at nagaantay lang ako ng sagot niya pero hindi siya nagsalita. Tumingin uli siya sakin pero maya-maya pa'y may tumawag sa kanya.

"JIA!! Tara na!"

Agad siyang tumakbo paalis bago ko pa siya mahawakan sa braso. Anong pangalan niya? Nang makarating siya sa pwesto ng kasama niya ay lumingon siyang muli sakin

"Huwag ka papasok diyan! May multo diyan!" Sigaw niya saka sila umalis na dalawa. Napangiti ako pero agad din akong napahinto ng may maisip ako.


"Jia? J?..."

💙💙💙💙💙

Hello! Kamusta? 😀

( di ako nag-proof read. Please excuse typos. Madaliang update)


It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon