BEA's POV
"Do you like her?"
Rex's question, echoed in my mind as I was driving to Jhoana's shop.
Hindi ko ineexpect na tatanungin niya ako ng ganon. Knowing na ex niya si Jho.
I shook my head and tap the steering wheel.
"Stop, Bea. Don't think about it." I repeatedly said until I reach Jho's place.
"There's nothing wrong if you like her.. I mean.. she's nice, talented, pretty, smart.. she's everything you could ask for"
I closed my eyes when I heard Rex's voice again. What the hell!!
"All you could ask for, eh bakit mo iniwan?" I murmured while unbuckling my seatbelt.
During our meeting, Rex would mention something about Jho, from time to time. I already told him that I don't like Jho in a romantic way but, he just won't stop.
Ang dami niyang sinasabi tungkol sa mga likes and dislikes ni Jho, as if he knew everything about her. I had to stop myself from telling him that he is getting really annoying because that would not be good. First for the business were trying to put and of course, for Kianna. I don't want her to know na inaaway ko ang crush niya.
I sighed before finally walking inside the store. Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko nakita si Jho. Nilabas ko ang phone ko at tinawagan siya.
Nakatatlong ring bago siya sumagot.
"Hello, Jho?"
"Bea, bakit?"
I pout my lips with her answer. Nakalimutan niya bang pupunta ako?
"Where are you?"
"Nasa... mall.."
This time hindi ko na napigilan ang pagbuntong hininga ng malakas. Nakalimutan niya nga.
"Oh.. I see.." I smiled and left the food I brought on top of the counter. "I'm actually here sa flower shop. But it's okay, I'll just leave the food at the counter. You can eat it when you get back. Ingat ka."
I was about to hung up pero biglang bumukas ang pinto sa office ni Jho. Isang nakangiting Jhoana Maraguinot ang bumungad sakin. Bigla kong naibaba ang kamay kong hawak pa rin ang cellphone ko.
"Uwi ka na?" nang-aasar ang tono niya pero hindi ako nagpakita ng reaksyon. Kailangan magmukha akong naiinis, dahil naiinis naman talaga ako. "Uy, galit ka? Joke lang naman."
"Should I laugh?" tanong ko at para siyang nataranta bigla. Naglakad siya palapit sakin at kumapit sa laylayan ng polo shirt ko.
"Hindi ka naman mabiro.. Joke lang naman yun eh." pinigilan ko ang sarili kong tumawa. Lalo na't mukha siyang pato dahil sa haba ng pagkakanguso niya.
"Should I laugh nga?"
"Sorry." she said at biglang yumuko, still holding my shirt.
Ginulo ko ang buhok niya bago tumawa.
"Joke lang rin." I said smiling at inirapan niya naman ako. Pero agad rin siyang ngumiti habang nakatingin din sa akin.
I don't know what to do or to say at ngayon lang ata ako magpapasalamat na may biglang dumating habang magkatitigan kami ni Jho.
Sabay naming nilingon ang pinto sa shop at napahinto naman yung babaeng pumasok.
"O-oh.. ate.. ang bilis mo ah"
sabi ni Jho kaya napatingin ako sa kanya. Kapatid niya?
![](https://img.wattpad.com/cover/81918329-288-k121871.jpg)