BEA's POV
"Galit ka ba?" I ask Jho that question for the nth time today. Bigla kasi siyang tumahimik after naming mag-usap sa kitchen. "Uy, Jho."
"Ang kulit ni Bea." inirapan niya ako kaya napayuko ako na parang bata. "Hindi nga ako galit. Ilang beses mo bang itatanong yan?"
"Eh why are you so sungit?" Tinignan ko siya pero nakatingin lang siya sa labas ng kotse.
We're on our way to her house. May practice daw pala kasi si Jia kaya hindi na siya mahahatid pauwi. Apparently, Julia is a volleyball player pala, and she's playing for the national team. I was really surpised with that.
"Eh why are you so sungit?" pang-gagaya ni Jho sa sinabi ko kanina. Bigla tuloy akong natawa. "Ako nga pinagtripan mo kanina eh!"
I glance at her and saw how her eyebrows are raised. Hindi pa pala siya nakaka-move on don?
"Come on, I said I was sorry. Wag ka na magalit"
Nagalit kasi siya kanina dahil daw pinagtitripan ko siya. I was acusing her kasi na siya si J. She was so shocked na hindi agad siya nakapagsalita. When I finally said that it was only a joke, naging ganyan na siya. Sobrang sungit.
"Jho naman, sorry na please. I know naman na hindi ikaw si J. Kasi diba, kung ikaw yun, matagal mo na sanang sinabi?" I stopped when the light turns red so I had the chance to stare at her. She was looking outside while playing with her fingers. "Jho?"
I called her attention and finally she look back at me. Her eyes were... sad. Or is it just me, over thinking things?
"Go na." Tumingin siya sa kalsada at hindi na muling tumingin sakin.
We were silent the whole ride to her house. When I finally stop the car infront of their door, she faced me smiling.
"Thank you, Bea. Pasok na ko"
I stared ate her pero muli siyang nag-iwas ng tingin.
"Jho, I'm really sorry. Don't be mad at me na please.." I said in the most sincere way as I gently touch her arm.
She's wearing a sleeveless shirt so I noticed the little scar near her shoulder. I rub that scar with my thumb kaya napatingin siya sakin.
"Hindi nga ako galit, Bea." sagot niya pero nakuha na ng maliit na peklat sa kanyang braso ang buo kong atensyon.
"What happened to this, Jho?" I ask pertaining to her scar.
"Huh?" she cluelessly look at her arm "Ah.. bata pa ako niyan. Nag-aaral akong mag-bike, eh na-out balance ako kaya sumabit ako sa bakal."
I froze with what she said. Iniintindi ko ang sinabi niya habang di ko napapansin na nakatitig na pala ako sa mata niya. Something that I enjoyed doing.
Her eyes were deep na para bang napakaraming gustong sabihin. Her eyes are my favorite part of her.
"Huy, Bea? Ano na?"
I blinked as I look away. Malala na ata talaga ako, hindi na maganda to.
"Sorry.. I just remembered something." Ngumiti ako at lumabas na ng kotse. Madali akong umikot pero nahuli ako dahil nakababa na rin siya ng sasakyan.
"Masyado kang gentlewoman. Kaya ko naman bumaba ng kotse kaya di mo na ako kailangan pagbuksan palagi." Naiiling na sabi niya kaya napakamot ako ng batok.
"Sorry. Sanay lang ako nang palaging ganon sa kahit kanino."
She looked down and whispered something na hindi ko naintindihan so I ask her kung ano yun. But she just shook her head and smiled.
