BEA's POV
I put down my phone as I stare at the food infront of me.
Wala akong gana, hindi talaga ako sanay kumain mag-isa.
Kahapon lang umalis si Kianna pero feeling ko parang isang taon na ang nakalipas. Hindi talaga ako sanay nang wala siya.
Kinuha kong muli ang cellphone ko para tignan kung nagreply si Julia. Inaaya ko kasi siyang mag-coffee, doon sa pinagdalhan niya sa akin dati. Wala naman kasi akong ibang kakilala dito bukod sa kanila ni Jho.
Julia Melissa
Sorry Bea, may practice ako today. Hindi kita masasamahan.
Nalungkot ako sa sagot niya pero hindi naman ako pwedeng magtampo. Napakaliit na bagay. At isa pa, feeling close naman ata ako non.
Nagreply ako sa kanya na ayos lang yun at pasensya na rin sa abala. Wala pang isang minuto ay sumagot na agad siya.
Julia Melissa
Sorry talaga ha? Bawi ako next time, may alam akong coffee shop na mas maganda ang ambiance. Dadalhin kita don minsan.
Sige, start na kami. Ingat!
Napangiti nalang ako dahil sa sagot niya. Mas madalas kaming nagkakausap ni Jia kaysa ni Jho. Ang sabi ni Jia ay busy daw kasi lagi si Jho sa business nila, tapos kapag may free time naman siya ay tinuturuan niya si pau-pau na magbasa at magsulat. Kaya mahirap talagang sumingit sa schedule niya.
I wonder what she's doing right now? It's saturday, may work pa rin kaya siya?
I realized I won't get any answer if I just keep on asking myself. So I decided to dial Jho's number. After five rings, she picked up the call.
"Hello?" Her voice is so cute. Ibang-iba compare sa personal "Bea?"
"Hello, Jho! Busy ka?" I don't know why pero kapag kausap ko siya, sobrang hyper ng boses ko.
"Uh.. medyo. Bakit? May kailangan ka ba?"
For the second time, this day, bigla na naman akong nalungkot. Because she's busy, that means I can't ask her out para gumala.
"Ahh, wala naman. Aayain sana kitang lumabas, manuod ng sine or kumain.. Mga ganon.."
"Pakilagay nalang po doon... opo.. diyan.. thank you.." Napahinto ako nang magsalita siya. May kausap ata? Mukhang busy talaga. "Hello? Ano yun, Bea? Sorry. May ginagawa kasi ako."
Ngumiti ako habang umiiling kahit alam ko namang hindi niya makikita.
"Nothing, Jho. Sorry sa istorbo, you can continue what you're doing na. Ingat!" I was waiting for her response but I heard nothing. When I checked my phone, nalowbat pala.
Sinaksak ko nalang muna ito saka 'ko tinuloy ang kinakain ko.
Now, what would I do when I'm all alone?
After eating, I went back to my room para mag-ayos ng gamit. Well, hindi naman ako makalat. My things are well organized dahil ayaw ko ng makalat. There are just some things na hindi ko pa naaayos sa kwarto ko.
I knelt down and reach for the bag under my bed. Nilagay ko ito sa kama at binuksan. Kinuha ko ang isang picture frame na una mong makikita pagkabukas ng bag.
"I don't know why I'm keeping you away, all this time." Hinaplos ko ito na para bang mababasag kapag hindi ko dinahan-dahan ang paghawak "I guess I missed you that much, I'm too afraid to see you even just in pictures."