Chapter 10

2K 76 15
                                        

Bea's POV

"Jia.. hatid na kita.."

Hindi ko alam saan ko nakuha ang lakas ng loob para tawagin siya. Lumingon siya sakin ng may pagtataka sa mukha.

"Tatlong bahay lang ang layo ko dito. Ayun oh, ayun lang bahay ko" natatawa pa siya habang sinasabi niya iyon kaya napaiwas ako ng tingin.

Wrong move na naman.

Napakamot ako sa aking batok habang nakayuko.

"A-ah. Haha oo nga, sorry" awkward na sabi ko saka lakas loob na tumingin uli sa kanya. "Sige, una na ko. Ingat ka"

Nakita ko ang marahan niyang pag-iling habang nakangiti. Pinagmamasdan ko lamang siya hanggang sa tinignan niya na rin ako.

"Pero maaga pa masyado, gusto mo bang magkape muna?"

"Huh?" Para akong nabingi at hindi naintindihan ang sinabi niya kaya ayan lamang ang nasagot ko. Inaaya niya ba akong lumabas?

"May coffee shop na malapit dito. Pwede tayong tumambay saglit" Hindi pa rin ako sumasagot kaya siguro nag-iwas siya ng tingin "Kung gusto mo lang naman.."

Bumalik ako sa katinuan ng mapansim kong medyo humina ang boses niya. Ano ba Bea! Ayan na oh, gusto mo siyang makausap diba?

"Gusto ko!" Medyo malakas kong sabi na nagpalingon sa kanya "I mean, gusto ko magkape.. oo mahilig kasi ako sa kape.."

Ngumiti siya na ginantihan ko naman ng isa ring ngiti. Pumunta na kami sa coffee shop na sinasabi niya at agad na umorder.

Magkatapat ang aming upuan at nasa tabi ng bintana. Nakatingin siya sa labas habang nakatingin naman ako sa kanyang mukha. Naalala ko bigla yung first time ko siyang nakita. Ang creepy niya pa naman that time. Bigla nalang siyang sumulpot at tinanong ang pangalan ko.

"Favorite place namin 'to ni Jho" nabalik naman ako sa katinuan ng magsalita siya. Tumingin siya sakin saglit bago nilibot ang paningin sa shop. "Every monday dito kami nagb-breakfast"

Sa sinabi niya ay napatingin din ako sa paligid. Naimagine ko si Jho sa counter habang umoorder ng kape.

Binalik ko ang tingin kay Jia at ngumiti.

"Sobrang close niyo siguro no?" Isang hmm lamang ang sinagot niya sakin.

Tahimik lamang kaming dalawa hanggang sa dumating ang order namin. Pinagmasdan ko siya habang hinihipan ang kape niya. Hindi ko mapigilang di mapangiti.

"Tawa ka diyan?"

"Nothing. May naalala lang ako" sagot ko bago kunin ang aking kape. Hinipan ko ito gaya ng ginawa niya.

"Sino?"

"Hmmm" tumikim muna ako sa kape bago siya sagutin "A friend. Ganyan din siya magkape. Ihip lang ng ihip, inabot na ng five minutes"

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon