Jhoana's POV
"ugh" umikot ako sa kama habang hinahanap ang tamang pwesto para makatulog na ako. Sinubukan kong pumikit pero maya-maya lang ay kusa na namang didilat ang mga mata ko. "aaaah!"
Reklamo ko at saka ako tuluyang bumangon. Tinignan ko ang orasan sa side table at napatakip nalang ako ng mukha habang nakaupo pa rin sa kama.
"Alas dos na ng madaling araw, patulugin mo naman na ako." inabot ko ang cellphone ko sa gilid at binasa ang huling text na natanggap ko.
"Goodnight to you too... baby..
since you don't want me calling you mom. Lol."Pumikit ako nang mariin bago huminga ng malalim. Ano bang nangyayari sakin? Alam ko namang nagbibiro lang siya dahil mahilig siyang mang-asar. Bakit ba ako masyadong affected?
"May gusto na ba ako kay Bea?"
Sandali akong nag-isip pero agad din akong umiling nang medyo napalakas. "Ouch" pumitik ata ang ugat ko sa leeg dahil sa pinaggagawa ko.
Habang hawak ko ang kanang parte ng aking leeg ay muli akong napatulala.
Ilang araw pa lang kaming magkakilala, hindi posible yon. Hindi naman pwedeng may gusto na agad ako sa kanya 'diba?
At isa pa.. I never liked a girl before.
Humiga ako at pilit iniiwasang magalaw ang kanang leeg ko. Masakit talaga ah.
"Baka natutuwa lang ako sa kanya.. syempre bukod kay Jia, ate Ella at Deanna, ngayon lang ulit ako nagkaroon ng kaibigan. Siguro nga natutuwa lang ako sa kanya, oo ganon lang yun."
Habang inuulit-ulit ko iyon ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Agad ko iyong kinuha at papatayin ko sana nang mapansin ko na hindi pala iyon alarm kundi may tumatawag.
Pikit ang isang mata, binasa ko kung sino ang tumatawag.
~ Beadel Calling ~
Nawala yata ang antok ko at bigla pa akong napabangon sa pagkakahiga. Dahil don ay naramdaman ko rin na masakit pa rin ang leeg ko. Hindi rin nakatulong ang bigla kong pagbangon.
"Tangina" napamura ako sa sakit pero hindi ko nalang pinansin at sinagot na ang tawag ni Bea.
"Hello, Jho?"
Sa hindi malamang dahilan ay nakagat ko ang ibabang labi ko bago sumagot.
"U-uy, Bea. Napatawag ka." wow Jhoana. Nautal ka pa talaga.
"Ahh..Well.. Good morning.." mabagal ang pagkakasabi niya at tila sumabay ang takbo ng utak ko. Hindi ko agad naintindihan ang sinabi niya kaya hindi ako nakasagot. "Hello?"
"Ah! Haha.. sorry.. ano, g-good morning din.." Hiyang-hiya na ako sa sarili ko. Ano ba talagang ginagawa mo sakin Beadel?
"Yeah.. haha" huminto siya at hindi din ako sumagot. "Do you have plans today?"
Aayain niya ba ako lumabas?
Napapikit ako dahil sa mga naiisip ko. Umayos ka nga, Jhoana!
"Sa office lang sana.. why?" Ilang segundo siyang hindi nagsalita kaya akala ko naputol na ang tawag "Hello?"
"Galit ka ba?" medyo nagulat ako sa tanong niya kasi bakit naman ako magagalit sa kanya?
"Hindi. Bakit mo naman naisip na galit ako?"