BEA's POV
"Huh?" Jho said for the third time kaya napairap ako.
"Hotdog"
I laugh at maya-maya lang ay natatawa na rin siya.
"Ah hotdog.. natututo ka na ng mga ganyan ah." Nakataas ang kilay na sagot niya pero nakangiti naman.
"Ikaw nga palagi mo na akong sinusungitan."
"Eh kasi palagi kang nang-aasar!" depensa niya kaya natawa ako. "Tapos tatawa ka."
"Because you're cute when you're acting mataray."
"Cute ba 'yon?" nakangiting sagot niya pero agad niya rin akong tinalikuran.
"Why are you so masungit ba today?" I ask pero hindi niya ako sinagot. Naisip ko tuloy na pagtripan siya bigla "Am I annoying you na?"
She looked at me and I just smiled weakly.
I should look like nagtatampo.
"I'm sorry.. I should have known my limits." Humarap siya sa akin na parang pinagmamasdan kung seryoso ba ako o nang-aasar na naman. I smiled and put on my shades "I'll get going, Jho. Sorry if I'm so makulit na. I won't do it again."
Naglakad na ako palabas nang bigla niya akong hawakan sa braso.
Success!
"Huy!" I stopped and turn to face her. "Para kang baliw."
"What? Aalis na nga ako eh, baliw pa rin."
"Kaya nga para kang baliw!"
Nagkatitigan kami and it felt like it was the longest 5 seconds of my life.
Ang sarap niya talagang asarin.
"Okay, sorry." she looked away habang bumaba naman ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak pa rin sa braso ko.
"It's okay, Jho. Alis na muna ako." I was about to pull my hand pero mas humigpit ang hawak niya.
I had to stop myself from smiling kasi baka mainis na talaga siya.
"Bea naman eh." tinitigan ko lang siya. Pinilit kong huwag ngumiti. I don't know why, pero parang ibang tao ako kapag kasama ko siya. "Sorry na. Sorry kung ang sungit ko. Nagulat lang talaga ako na magkikita tayo dito. At tsaka ikaw kasi eh.."
"What did I do na naman?"
She looked at me na para bang ang dami niyang gustong sabihin.
"Nothing. Basta sorry na."
"Okay" I said then smiled "So you'll come with me na?"
"Huh?" I rolled my eyes pero natawa din ako sa sagot niya. Nabibingi na ata si Jho.
"You said, you're not busy na ah."
"Oo nga. Pero seryoso ka ba?" Parang hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo naman. Why would I not be?"
"Jusko naman, Bea. Mama mo yun!"
"And so?"
"And so bakit mo ako ipapakilala?"
Tinignan ko siya nang buong pagtataka. Is she serious?
"Because you're my friend?" patanong na sagot ko at bigla naman siyang nag-iwas ng tingin. "But if you're busy, that's fine. I understand nama--"