💙💙💙
"Nahihilo na ko sa'yo" Huminto ako sa harap ni Kianna saka bumuntong hininga. Magsasalita sana ako pero di ko alam kung anong sasabihin. "What is it?"
"Nothing" I said but when she stares at me with her brow's raised, I sighed again "Kasi ano.. I think I saw h-her"
"Who?" She asks pero agad din siyang napatakip sa bibig niya "Oh my God! You mean, her?! Yung first love mo?"
I rolled my eyes. Ang O.A. talaga.
"She's not my first love"
"Eh ano? First kalandian? Ganon?"
"Ewan ko sa'yo. Seryoso nga kasi!" I stamp my feet habang nagpipigil naman siya ng tawa "There was this girl. She's weird kasi bigla nalang niya akong nilapitan and tinatanong kung anong pangalan ko"
My bestfriend just rolled her eyes.
"Beatriz, it's not like it's the first time na may lumapit sayong stranger and then ask for your name. Di ka pa ba sanay? You're the famous Bea de Leon. Di na bago yun"
"K! I'm serious---"
"And I am too... Let's face the truth, B. We all know na sa ating magkakaibigan, ikaw ang lapitin. Either boys or girls. They can't help but to ask for your name. That's how charming you are"
Napangiti naman ako sa sinabi ni Kianna kaya hindi ko napigilang yakapin siya ng mahigpit.
"You're saying those things like you're one of those girls who wants to know my name--aww" agad akong nakatanggap ng palo sa ulo. Tinawanan ko lamang siya pero di pa rin ako bumitaw sa yakap. "But what if siya nga yun? Paano kung siya na pala yung matagal ko ng hinahanap?"
I lifted my head and saw her grinning.
"Then you know what to do. Let her know you've been looking for her"
**********
"Beatriz, wake up. We'll be late" tinabig ko ang kamay na umaalog sa balikat ko. "Beatriz! Ano ba! Bangon na diyan!"
"Ugh!" I grab the blanket and cover my face. Inaantok pa ko eh."Tatayo ka diyan o ako ang magd-drive pa--"
"I'm up! I'm awake! I'll go take a bath now."
I left her laughing her ass out. Tss lagi nalang niya akong natatakot kapag ganyan na ang usapan. Kaskasera kasi mag-drive.
After I took a bath, nag-ayos lang ako ng mabilisan dahil minamadali na ako ni Kianna. We're gonna be meeting her friend today. Ayun kasi ang main reasong ng pag-uwi namin dito sa Pilipinas.
"Aren't you excited to do this?" Kianna asks while I drive.
"Hmmm" I answered with a nod
"Parang di naman"
"Mas excited ka lang kasi kaya hindi halata" I glance at her direction "Palibhasa makikita mo na naman yung friend mo na pinagnanasahan mo secretly!"
"H-hoy!Hindi no!"
"Suuus. Kunyari pa. What's his name again?" I rub my chin like I was thinking hard. Then I snap my fingers "Ah oo nga. Rex di'ba?"
"Ano?! Tumigil ka nga Beatriz. Kung anu-anong iniisip mo" Tinawanan ko lang siya habang nakatingin siya sa bintana.
"Ok. I'll just pretend na hindi ko nakitang namumula ka ngayon" I said and she started punching my arm. Tumigil lang siya ng sinabi kong mabubunggo kami.