Chapter 4

2.5K 92 48
                                    

💙💙💙

My heart's beating fast as I went back to the car.

Slowly, I open the envelope I was holding. Man, I can't believe she finally wrote back. Makikita ko na rin siya..

B,

Hindi ko alam kung paano sisimulan pero nakakatuwa na sumulat ka ulit.

Sobrang tagal na ng huli nating sulat. 10 years ago?? Sinong magaakala na naaalala mo pa ako..

Nabasa ko yung dalawang sulat na iniwan mo. Hindi ko lang alam kung anong sasabihin ko kaya naman hindi ako sumagot agad. Pasensya ka na. Hindi ko lang talaga inakalang magkakausap pa tayo ulit.

Masaya akong makausap kang muli, pero pasensya ka na ulit. Hindi ko pa ata kayang makipagkita sayo sa ngayon.. mahirap ipaliwanag, sana hindi ka magalit..

Hanggang sa muli, B.

-J.M

Halos maiyak ako ng mabasa ang sulat niya. Oo alam ko wala namang nakakaiyak doon pero hindi ko alam, masyado lang siguro akong natuwa na sumulat siya pabalik.

Agad ko itong tinago at nag-maneho na ako pauwi. Masaya ako dahil nagkausap kami pero malungkot din ako dahil sa sinabi niyang hindi pa kami pwedeng magkita.

But it's fine. Ang mahalaga nakausap ko na siya ulit. Bukas na bukas, gagawa ulit ako ng sulat para sa kanya.

*****

"Itanong mo na kung anong pangalan niya" I was biting the tip of the pen habang nag-iisip. "Tanungin mo na rin kung may boyfriend na ba siya"

Nilukot ko ang papel na hawak ko at agad na binato kay Kianna.

"Bakit ko naman itatanong yun?"

"Para malaman mo na agad kung may pag-asa ka sa kanya" Napailing nalang ako sa pinagsasabi ng bestfriend ko. Nagsusulat ako  para kay J at ito namang babaeng to, nakikigulo sa ginagawa ko.

"I told you, K. Wala akong balak ligawan siya. I just wanna meet her, that's all"

"OK. If you say so" tumayo siya at tinapik pa ako sa ulo bago lumabas ng kwarto ko.

Bumalik nalang ako sa pagsusulat. Ilang minuto pa akong nakayuko lang at nakatingin sa papel sa harap ko.

"Ugh!" Nahilamos ko ang kamay ko sa aking mukha. "What should I tell you?!"

Kinuha ko ang sulat niya at binasa ulit. Halos makabisado ko na ito pero napapangiti pa rin ako sa tuwing binabasa ko.

Her handwriting is cute. I wonder what she looks like?

Suddenly, an image pop out of my mind. That girl.. Jia .. It could be na siya nga si J.

Pero narinig ko lang naman na tinawag siya. Paano kung Gia pala ang spelling ng pangalan niya?

"God, this is so frustrating!" I dropped the pen I was holding at agad na pumunta ng banyo. Pagkatapos kong mag-ayos ay agad kong kinuha ang cellphone ko, wallet at ang susi ng kotse.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon