Kianna's POV
"Lunch?" Tanong ni Rex habang nag-aayos ako ng gamit.
"Sorry. I have plans with Bea." Nang malagay ko na lahat ng gamit sa bag ay tumayo na ako. "Maybe next time?"
"Yeah. Sure." He smiled and tumayo na rin. We had a meeting about the shop. We're just finalizing the list for the menu. Bea is not here kasi nagkita sila ng tita niya. Marck is not here as well and according to Rex, pauwi palang daw siya galing ng Batangas. Hindi ko na tinanong kung bakit.
"Dito na ko. Ingat ka. Bye!" I was waving my hand habang naglalakad na paalis but he stopped me.
"Wait. Do you have your car?"
"I don't. Dala ni Bea." Iisa lang naman kasi ang ginagamit naming kotse. Si Bea rin naman kasi lagi ang nagda-drive kaya I don't need it. Pero ngayong may jowa na ang baby B ko, mukhang kailangan ko ng bumili ng kotse.
"Hatid na kita. Saan ba kayo magkikita?" Tanong niya at agad naman akong umiling.
"Naku, wag na. Susunduin naman ako ni Bea. Thank you, though." I smiled and tumango nalang din siya.
"Ahh.. okay. Ingat kayo. I'll go ahead?"
"Yeah. ingat ka rin. Bye." I waved and naglakad na paalis.
I lied. Hindi naman ako susunduin ni Bea. 11 am palang, 1 pm pa kami magkikita ni Bea. Manunuod kasi kami ng game ni Jia today. Susunduin niya muna si Jho sa shop since mas malapit siya don ngayon tsaka nila ako susunduin sa condo.
I don't know what's with me but, lately I don't feel like hanging out with Rex.
I guess Marck's words are still stuck in my head.
"You're beautiful,definitely Rex's type. Be careful."
I haven't forget about it since that day. I acted like all I remembered was when Marck called me beautiful infront of Bea, so she won't worry about me. But the truth is all I can think about was when he told me to be careful.
Plus the fact that Jhoana and Rex broke up before because of a third party. How am I supposed to just disregard that?
I like Rex. That's for sure. But with all these red flags I'm seeing, I don't think I'm willing to take that risk.
I went to a nearby restaurant to buy something to eat. Nag-take out lang ako since wala ako sa mood tumambay sa labas. I was waiting for a cab when a black car stopped infront of me. Umatras ako thinking someone is gonna come out when the window rolled down.
"Where's Rex?"
I was surprised to see Marck. But I'm more surprised that he's talking to me. Akala ko ba ayaw niya akong kausapin kapag wala naman yung kaibigan niya?
"Hindi ako lost and found." I rolled my eyes at him. Akala niya ba okay lang sa akin yung mga pinagsasabi niya noon?
"Nagkita kayo di'ba? You should know kung nasaan siya." sagot niya naman kaya tinaasan ko siya ng kilay at nagpamewang.
"I'm not his bodyguard or anything. Kailangan ba alam ko kung nasaan siya palagi?" Minsan lang magsalita itong lalaking 'to pero ang lakas makasira ng araw.
Aalis na sana ako pero bigla siyang bumaba ng kotse niya at lumapit sakin.
"Nagtatanong ako ng maayos, Ms. Dy."
"Maayos ba yun sa tingin mo, Mr. Espejo?" lumayo ako sa kanya. Bakit ba walang dumadaan na taxi dito para makaalis na ako.
"Okay. Sorry. Do you know where Rex is?" Hindi ko ineexpect ang pagbabago sa tono ng boses niya kaya hindi ko sinasadyang mapatitig sa kanyang mukha.
