Chapter 7

2.3K 74 50
                                    

Third person's POV

"Jhoana"

Agad siyang lumingon ng may tumawag sa pangalan niya.

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nalungkot ng makita ang bestfriend niya na nakangisi.

"Parang ayaw mo naman akong makita. Simangot ka agad diyan"

"Baliw" ayan lamang ang naisagot niya sa pagtatampo ng kanyang kaibigan. Hinampas niya ito ng mahina sa braso saka tumawa.

"Baka po kasi akala ni ate Jho yung iniintay niya yung tumawag sa kanya" sagot ng bata habang nakatingala sa kanilang dalawa.

Agad na nanlaki ang mata ni Jhoana, saka marahang lumapit sa bata.

"Ano bang sinasabi mo, Pau? Hehe ikaw talaga" hinawi niya ang buhok nito na nakaharang sa mukha niya

" 'diba po inaantay niyo si a--"

Bago pa man makapagsalita ang bata ay agad niya na itong pinutol ng malakas na tawa.

Hindi niya rin alam kung bakit ayaw niyang malaman ng bestfriend niya kung sino ang tinutukoy ng bata. Basta bigla nalang siyang kinabahan kaya kung anu-ano ang nagagawa niya.

"Jhoana, baliw ka na ba?" Huminto siya sa pagtawa at napakamot nalang sa ulo.

"Aah.. nagugutom ako. Kain muna tayo" napailing na lamang ang kanyang kaibigan at saka dumiretso na sa paglalakad.

Sumunod siya dito habang hawak niya sa kanan ang mga libro, papel at lapis. Habang sa kaliwa naman ay hawak niya si Pau-pau na patalon-talon pa habang naglalakad.

"Jia! Antayin mo naman ako!" Nilingon siya nito at tinignan lamang. "Baka naman gusto mong buhatin tong mga dala ko oh"

"Sus. Alam mo, Jho. Sa ating dalawa ikaw ang mas lalaki. Kaya mo na yan" tinapik pa nito ang kanyang balikat kaya napairap na lamang siya.

Napakatamad talaga. Bulong niya sa kanyang isip at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Pagkarating nila sa kanyang bahay ay lumapit agad siya sa kanyang lola para magmano. Ganon din naman ang ginawa ng bestfriend niya at ng bata.

Dumiretso siya sa kusina at inihanda ang kanyang nga gagamitin. Hilig niya ang pagluluto at hindi naman maikakailang, magaling siya dito. Bata pa lamang ay natuto na siya sa kusina kaya di na nakapagtataka na ito na ang kanyang kinahiligan pagtanda.

"Kakain na"

Tawag niya sa mga kasama habang nag-aayos siya ng lamesa.

"Wow. Tinola. Paborito ko 'to, ate Jho." Ngumiti siya at ginulo ang buhok ng bata.

"Alam ko. Kaya kumain ka ng madami ha, pumapayat ka na."

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon