Kabanata 43

616 6 3
                                    

Hello guys. This is the last chapter of this story. Thank you for reading. Wakas will be posted soon :>

Kabanata 43

Mistake

Sela and Ophelia also left that night. I still wanted to be with them because we haven't seen each other for a long time but they still have some important things to do so I let them leave. Babawi na lang daw sila sa kasal ko dahil inimbihatahan ko naman sila. Hindi rin sila makapaniwala nang sinabi kong magpapakasal na kami ni Enzo sa Fuerza Valiente nextweek. Oo, nextweek na dahil malapit nang matapos ang project nila roon.

Maayos na ang lahat, ang gown, ring, organizers at iba pa. Ang pamilya nila Enzo ang nag-ayos lahat. Gusto nga sanang tumulong ni papa kaya lang nagkaroon siya ng business trip sa Japan. Isang linggo siya roon at ang araw uwi niya ay ang mismong araw ng kasal namin ni Enzo. Susunod na lang daw siya. Ayoko sanang pumayag sa gustong mangyari ni papa dahil siguradong kailangan niya ng pahinga after ng trip niya ngunit ayaw naman daw niyang palampasin ang kasal ng kaisa-isa niyang anak.

"I've missed a lot of events in your life, hija. Hindi ko hahayaang pati sa kasal mo pa'y mawala ako." sambit ni papa sabay gulo sa buhok ko.

"Okay lang naman po kahit wala ka noon. Ang importante nandito ka ngayon, papa." ngumiti ako at yumakay kay papa.

"I'm so happy for you, anak. Sana nandito rin ang mama mo. Siya nga pala, may maganda akong balita sa 'yo.."

Kumalas ako sa yakap. "Ano 'yon, pa?"

"Malapit ko nang mahuli kung sino ang nagpa-kidnap sa 'yo noon. Mapapalagay na ang loob mo."

"Talaga po? Sigurado po ba talaga kayo sa taong balak niyong ipahuli?" usisa ko. Bigla sumagi sa isip ko ang mga weirdong mensahe na natatanggap ko.

Of course, hija. I paid a very good private investigator to do all the work. Just trust me and Engr. Castellon. Ginagawa namin ang lahat tungkol sa bagay na iyon."

Pinilit kong ngumiti. Naniniwala naman ako kay papa. Hindi ko lang talaga maiwasang hindi kabahan. Posible ba ang taong nagpapadala sa akin ng weirdong mensahe at ang taong kumidnap sa akin noon ay iisa? Paano kung magkaibang tao pala iyon? At paano kung maling tao ang mahuli nila papa?

"I miss you. I can't wait to see you."

Napangiti habang nakatitig sa repleksiyon ko sa salamin. Hawak ko ang cellphone ko dahil kausap ko si Enzo. May usapan kami na magkikita kami ngayon gabi upang mag-dinner. Miss na miss ko na rin kahit kagabi lang ay magkasama kami. Kahapon kasi galing kami ng Esta Caliente upang bisitahin ang natapos nilang project sa hotel ko. Sobra akong natuwa sa nakita ko. Sobrang ganda at pulido ng kanilang pagkakagawa. Hindi nagkamali si papa sa pagrekomenda niya akin ng company nila. Sobrang laki ng ngiti ko habang sinusuyod ko ang buong lugar sa hotel ko at nakasunod sa akin ang buong team ni Enzo. Ang laki ng bilib ko sa kanila dahil kahit ko nasubaybayan ang pagtatrabaho nila, nagawa pa rin nila kung ano ang gusto ko.

"You're getting ready?" he asked. "Wag ka nang masyadong mag-ayos, ah? Maganda ka naman na kahit wala kang ka-ayos ayos."

Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Dinampot ko ang hair brush na napatong sa may harapan ko ang sinuklay ang buhok ko gamit iyon. "Maganda talaga ako, Enzo. At kahit napakaganda ko na, gusto ko pa rin mag-ayos, 'no."

"Tss. The confidence." he laughed huskily. "Alright, then. I'll for you downstairs, baby."

Namilog ang mga mata ko at natatarantang binuksan ang drawer ng make-ups. "D-Downstairs? Nasa baba ka na?!"

Unwanted Waves (ECS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon