Kabanata 6

201 15 0
                                    

Kabanata 6

Dream

"Sorry talaga. Mahapdi pa ba?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya habang dina-dampian ng ointment para sa paso ang paa niya. Mabuti na lamang at mayroon akong gano'ng gamot sa kwarto ko. Sising-sisi ako sa ginawa kong pagdadabog sa kaniya. Dahil doon naglinis pa tuloy ako ng kwarto ko nang wala sa oras!

"Ayos lang ako. Hindi naman gano'n kainit 'yung lugaw, e. Pero sayang... Hindi ko natikman." napabuntong hininga siya at mataman akong tinitigan.

Narito kami sa sala at abala ako sa paggagamot sa paso niya. Nang makuntento na ako sa paglalagay ng ointment doon ay binitiwan ko na ang paa niya at tumayo na ako.

Sinalubong ko ang kulay kape niyang mga mata at naiilang akong ngumiti. Nakatitig siya sa 'kin at hindi ako makatagal sa titig niyang iyon kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Bakit ba gano'n siya kung makatingin sa 'kin? Parang may kung ano, e.

"Pasensiya na. Magluluto nalang ulit ako ng bago. Pero hindi na lugaw." sambit ko. Pupunta na sana ako sa kusina pero muli ko siyang nilingon. Nagtama ulit ang mga mata naming dalawa.

"Uh.. Ano... Maligo ka pagkatapos mong kumain, ihahanda ko ang isusuot mo. Alam kong binabahanas kana dahil sa dami ng pawis sa noo mo. Hindi ka siguro sana'y sa ganitong bahay." tinalikuran ko na siya at nagpunta na ako sa kusina.

Mabuti nalang at mahilig ako sa mga oversized na mga damit. May t-shirt at short ako na unisex. Binili ko iyon noong festival sa bayan sa pag-aakalang kasiya iyon sa 'kin.

Pagpunta ko sa kusina, isang malalim na buntong hininga ang ibinuga ko. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa titig ng lalaking iyon. Hiya? Bakit ako naman ako mahihiya?! Siya dapat ang mahiya dito dahil inaasikaso ko siya kahit hindi naman namin siya kilala ni Lola!

Napakamot na lamang ako sa kilay bago nagbuklat ng kabinet sa kusina. Tulad ng sabi ko kanina, wala kami masyadong stock ng pagkain dito. Mabuti na lang at may itlog at kamatis kahit paano akong nakita. Kinuha ko ang kamatis ang hinugasan. Halata naman siguro kung ano ang lulutuin ko. Itlog na may kamatis lang. Sana maisip ng lalaking iyon na hindi kami mayaman kaya kailangan niya ng alalahanin ang lahat ng tungkol sa buhay niya para hindi na siya madamay sa kahirapan namin. Nakakahiya naman sa maputi at makinis niyang balat na pinapawis dahil wala kaming electricfan at aircon dito. Psh.

Nang matapos akong magluto nagpunta na ako sa sala upang tawagin siya. Tanging 'hoy' lang ang nasambit ko dahil hindi naman namin alam pareho ang pangalan niya. Naisip ko tuloy, ano kaya kung bigyan ko siya ng pangalan? Pero kung pansamantala lang naman rito'y baka masayang lang ang effort ko sa pagbibigay ng pangalan sa kaniya. Sa totoo lang may naisip na ako, e. Hindi ko lang alam kung magugustuhan niya ba iyon.

"Ang dami mong medal. Matalino ka siguro." sambit niya. Napansin niya siguro 'yong mga medalyong nakadisplay sa dingding sa sala.

Nang sulyapan ko siya ay parang maraming tanong ang naglalaro sa isip niya ngunit hindi niya iyon masabi sabi. Sabagay, kung ako rin naman ang nasa sitwasyon niya ganiyang din ang magiging itsura ko.

Nagkibit-balikat nalang ako habang nilalagyan ng kanin at ulam ang plato niya. "Noong high school pa iyon." nag-angat ako ng tingin sa kaniya at naabutan ko siyang nakatitig sa 'kin. Nag-iwas ako ng tingin at inisod na sa kaniya ang plato niyang may laman na. "Kumain kana lang," sambit ko sa bagay tayo. 

Kinuha ko ang wallet ko at tinignan kung magkano pa ang laman no'n. Wala pa naman akong binibili simula noong isang araw kaya may pera pa ako. Itatabi ko 'yong kalahati habang ang kalahati pa ay ipamimili ko ng pagkain para dito sa bahay tulad ng pagkain at kung anu-ano pa.

Unwanted Waves (ECS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon