Kabanata 15
Drowning
"Bakit ka nagsinungaling sa akin?"
Magkatabi kami ngayon ni Eli. Nakaupo at parehong nakatanaw sa papalubog na araw. Masayang-masaya ako noong nalaman ko kanina na gusto niya rin ako. Nag-away kami at nag-usap rin pagkatapos. In-explain ko sa kaniya ang lahat ng rason na mayroon ako kung bakit ako nagsinungaling tungkol sa nararamdaman ko kaniya. Lahat ng pero sa isipan ko'y nasabi ko na sa kaniya at naipaliwanag na rin kung parang wala siyang pakialam sa mga rason ko.
Galit niya lamang akong tinitigan habang ang mga panga niya'y patuloy sa pag-igting. Kung umasta siya'y parang wala lang sa kaniya iyong mga rason ko. Wala siyang ideya kung gaano ako nasaktan kakaisip sa mga bagay na iyon. Kakaisip sa dahilang hindi kami pwede.
Nakakatawa. Nang mga nagdaang araw patuloy ako sa pagpipigil sa sarili ko pagdating kay sa nararamdaman ko. Ngunit ngayon, ito ako at katabi ang lalaking sinabi kong hindi ko pwedeng gustusin. Ang malaki at malapad niyang kamay ay ikinukulong ng dahan-dahan ang maliit kong baywang.
Kumawala ako sa yakap niya at kunot noo siyang tinitigan. "Naipaliwanag ko na sa 'yo, hindi ba? Gusto mong ulitin ko pa ulit?"
He shook his head and look at me seriously. "I don't like your reasons. They are very shallow--"
"Shallow?!" hindi makapaniwala kong tanong.
Napailing ako ng tumango siya ng walang alinlangan. Paanong mababaw ang mga rason ko? Hindi niya alam kung ilang beses akong umiyak at nalungkot dahil doon! Mababaw ba talaga para sa kaniya o wala lang siyang pakialam sa mga maaaring mangyari?
"Uh-huh." ngumuso siya. "You're so unfair, Era. I love you so much but you keep suppressing how you feel about me for those reasons you have. I do not know how you were able to lie while I was unable to."
A smirked plastered on my full lips. "You love me? Akala ko ba gusto palang? Ang bilis mo talaga, e 'no? I wonder if it's true."
Umayos siya ng upo at tumumikhim. "It's true. Let me prove it, then?"
"Paano?" nag-taas ako ng kilay.
His lips curved in a sexy manner. Nilipad ng hangin ang buhok niya at tumakip iyon sa mga mata niya kaya inangat niya ang isa niyang kamay upang ayusin iyon. "Give me chance. Don't ignore my efforts."
"I am not ignoring your efforts..." giit ko. "Kinakain ko ang mga niluluto mo."
"Well, yeah? How about my other efforts? Hindi mo ba napansin ang ilang pagbabago sa bahay at sa iba pang bagay doon?"
Napakurap ako at inosente siyang tinitigan. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"See? Hindi mo talaga napapansin ang efforts ko." nagtatampo niya sabi. Medyo natawa ako nang ngumuso siya. "Pininturahan ko iyon pader tapos araw-araw ako nagliinis ng bahay. Inayos ko rin iyong bakuran. May ilang buto ng halaman akong itinanim doon tapos nagbungkal rin ako ng lupa."
Hindi ko napigilan ang pagsilay ng isang ngisi sa labi ko habang sinasabi niya iyon. Mukha siyang nagtatampo habang ako naman ay iniisip ang maaaring itsura niya habang nagbubungkal ng lupa roon.
"What's funny?" iritang tanong niya.
I chuckled. "Iniisip ko lang kung ano ang itsura mo habang nagbubungkal ka ng lupa. Hindi ko nakikita, e."
"Pwede ko naman ipakita sa 'yo. Anyway, let's talk about us."
Kumunot ang noo ko. "Us? Wala namang tayo, ah?"
BINABASA MO ANG
Unwanted Waves (ECS#1)
Ficção GeralEstá Caliente Series #1: Fleurencia Therese Lazigosia Era is a simple woman living in Está Caliente with her grandmother. She did not know if her parents were still alive and who they were. Hindi niya na iyon masyadong iniisip dahil para sa kaniya...