Kabanata 26
Daughter
Ayokong maniwala.
Pakiramdam ko pinagkaisahan ako ng lahat. Pakiramdam marami akong pinagkatiwalaang tao na hindi naman pala dapat. I feel betrayed.
Oo, bumalik na si Eli. Ngunit wala roon ang buong atensiyon ng isipan ko ngayon. Hindi ito ang oras para isipin ko ang lalaking iyon dahil may mas importanteng bagay akong kailangang malaman.
I can't believe this. I can't believe he has known me for a long time and I found out that just now. Bakit kailangan niya pang patagalin? Hindi naman ako matatakot sa kaniya!
"Huy, ano! Nandiyan ka pa ba?" si Sela sa kabilang linya. Halatang aligaga siya.Bumuntong hininga ako bago binalingan sina Miss Darcy at Zach na parehong nakikinig sa pakikipag-usap ko kay Sela.
"Wala na akong pakialam sa kaniya, Sela. Ano ngayon kung bumalik na siya? Hindi ko na gustong makarinig pa ng kahit na ano'ng balita tungkol sa lalaking iyon. I have a lot of important things to do and he is not included."
"P-Pero, Era-"
"I need to hung up, Sela." malamig na sabi ko.
Tinapos ko ang tawag na iyon at muling nag-focus sa kasalukuyang nangyayari. Hindi na ulit nag-text o tumawag si Sela. Napasulyap ako kay Zach nang bigla siyang tumikhim.
"Si Eli..." nag-aalangang sambit niya. "B-Bumalik siya, Era?"
Tumango ako.
"Ano nang gagawin mo ngayon, Era? Gusto mo bang bumalik sa Esta Caliente upang makausap siya?" si Miss Darcy na natuptop ang mga daliri niya.
Umiling ako. "Hindi niyo ako narinig kanina. Ang sabi ko wala na akong pakialam sa kaniya. Mas gusto kong pag-usapan ngayon ay ang tungkol sa ugnayan niyo ng lola ko, Miss Darcy. I want to know everything. If you don't to tell me, then it's fine. Hindi na ako sasama sa inyo papunta sa mga Lazigosia--"
"You need to say that. I'll tell you everything." seryosong sambit ni Miss Darcy.
My brows furrowed as I looked at him. She smiled but I did not smile back. This woman has been hiding a lot ever since. Bakit ba ang bilis kong mag-tiwala?
Nag-angat ng mukha si Miss Darcy at malalim na bumuntong hininga. "So, I'll start..."
Umayos ako ng upo habang si Zach naman ay bumuntong hininga. Mukhang nakikinig rin. Talaga bang wala siyang alam sa bagay na ito? I don't think so. They are relatives.
"Everything I told you in Esta Caliente is true, Era. Except for the part where I told you I was a doctor. It was a lie. Hindi ako ang doktor na tinutukoy ko sa storya'ng sinabi ko sa 'yo noon." she gulped. "M-May ideya ka ba... kung sino?"
Umigiting ang panga ko bago ako umiling. Bakit kailangan niya pa akong tanungin? Sa tingin niya ba ay may nalalaman ako? Wala kahit kaunti.
"Ang tinutukoy kong doktor ay si Matilda Guercio, Era--"
"Pwede ba? Tama na ang pagsisinungaling!" galit na giit ko. Nagpupuyos ako sa iritasyon dahil sa narinig ko. Halos mapunit na ang dress na suot ko dahil sa tindi ng pag-gasumot ko roon.
"I'm not lying. Totoo ang lahat ng sinasabi ko sa 'yo ngayon. I have some evidences. Hindi ko lang dala ngayon. Please, Era. Maniwala ka naman sa akin, oh." pagmamaka-awa ni Miss Darcy. Tinangka niya akong hawakan ngunit hindi niya itinuloy. Natatakot siguro siyang hawakan dahil malapit na akong sumabog.
BINABASA MO ANG
Unwanted Waves (ECS#1)
General FictionEstá Caliente Series #1: Fleurencia Therese Lazigosia Era is a simple woman living in Está Caliente with her grandmother. She did not know if her parents were still alive and who they were. Hindi niya na iyon masyadong iniisip dahil para sa kaniya...