Kabanata 30

204 2 0
                                    

Kabanata 30

Painting

I'm not going to drink alone. Never again. I swear.

Pana'y ang hilot ko sa aking nananakit na noo nang magising ako kinabukasan. Umahon ako at isinandal ang aking ulo at likod sa headboard ng kama. My eyes widened as I remembered everything that had happened last night. I almost banged my own head against the wall because of extreme embarrassment.

Damn! I can't believe I told him that! And worst, I remembered he criticized the color of the lingerie I was wearing! How dare him! I didn't mean to show it to him! Ah!

Sinabunutan ko ang sarili ko at padarag na hinagilap ang aking cellphone sa side table. Alas otso na ng umaga at mamaya hapon pa naman ang schedule ng flight ko pabalik ng Esta Caliente. Tumaas ang isang kilay ko nang makitang may isang text galing kay Zach.

From: Zach

Magkasama pala kayo ng ex mo kagabi sa isang bar. Kailan pa kayo nagkita at nagka-ayos, huh? You didn't tell me. Nalaman ko pa talaga sa iba, Fleurencia.

I can almost imagine him shaking his head while crossing his arms. Matagal na kaming magkaibigan ni Zach kaya naman, katulad ni Klaudia, nasasabi ko rin sa kaniya ang ilang problema o whereabouts ko. Pero dahil lalaki si Zach at alam kong mas mai-intindihan ni Klaudia ang lahat ng kwento ko, syempre kay Klaudia pa rin naman mas nagkukwento ng kung anu-ano. Ayokong abalahin si Zach lalo't pa't selosa ang kaniyang fiance.

I sighed. Why am I surrounded by people with a love life? Sinasadiya ba ito ng panahon? Pati si Ophelia ay may asawa na rin ngunit hindi si Thadeo ang napang-asawa niya. Hindi ko na naitanong kung ano ang naging dahilan ng paghihiwalay nila noon. Si Sela nalang ang alam kong single rin katulad ko. But I'm not really sure, though. Lalo pa't sa ibang bansa na nagtatraho ang isang iyon. Malay ko pa kung ano ang estado ng love life no'n. Last year was our last meeting so I don't really know.

Inalis ko ang nakatabon na comforter sa aking katawan. Napansin kong isang silky night dress na ang suot ko. Baka sa sobrang kalasingan ko kagabi, hindi ko na maalalang nakapag-palit pa pala ako ng damit. I just shrugged before typing a reply for Zach.

To: Zach

Yes. It's just a coincidence. No big deal.

Patayo na ako ngunit muli siyang nag text. Aba, mukhang may free time siya ngayon, ah? Nasaan kaya ang isang 'to? Baka nasa kung saan at hindi kasama ang clingy at selosa niyang fiance.

From: Zach

Coincidence lang ba talaga? Don't lie to me, Fleur. You were seen together in the parking lot and both rode the same car. Tell me... honestly, nagkabalikan na kayo?

Napatawa ako ng sarkastiko sa text na iyon ni Zach. Porke't sumakay lang sa iisang sasakyan nagkabalikan na kaagad? Ano ba'ng pinagsasasabi nitong Zach na 'to? Oo, ilang beses kong nasabi sa kaniya noon na gusto kong maging kami ulit ni Eli-- I mean, ni Enzo. But that was a long time ago. Naliwanagan na ako. Matagal na akong walang balita sa lalaking iyon at noong isang araw lang ulit kami nagkita. Sa mismong hotel ko pa talaga. What a coincidence. At magkakilala sila ni papa? Mariin akong pumikit bago nagtipa.

To: Zach

Funny, Zach. Coincidence nga lang iyon. Mag-isa akong nag-punta ng bar kagabi at siya ang unang lumapit sa akin! Hindi ko alam kung ano'ng naisipan niya at ginawa niya iyon. Maybe he just realized my worth so he showed up! Whatever is it, I don't care.

From: Zach

Fleur, wala na sila ng fiance niya.

Kumunot ang noo ko at medyo nairita sa sinabi niya.

Unwanted Waves (ECS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon