Kabanata 33
Tears
I wiped away my tears as I hugged myself. Nasa loob ako ng sasakyan ko at papauwi na ako sa mansion. Hindi ko na kayang ipag-patuloy pa ang pagtatrabaho sa araw na ito dahil nasasaktan ako ngayon. I feel like all the memories of that time are trying to come back to my mind.
My tears never runs out. Nami-miss ko na ang mga yakap ni Lola at mama sa akin. Gusto kong tawagan si papa ngunit siguradong itatanong niya lamang kung bakit ako umiiyak at at hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya totoo. Ayoko, hindi pa ako handa.
"Ma'am, ayos lang ho ba kayo?" tanong ni kuya Arman sa akin, ang driver ko.
Tumango ako at muling pinalis ang mga luha. "Kuya Arman, ayoko po munang iuwi niyo ako sa mansion. Pwede po bang i-hatid niyo ako sa dulong baryo ng Isla Lefevre? Magpa-palipas lang po ako ng oras."
Mahinanong tumango si Kuya Arman. "Sige po, ma'am. Gusto niyo bang balikan ko na lang kayo roon? Baka po kasi gusto niyong mapag-isa."
"Yes, I'd like that. Ako na magda-drive pauwi. May body guards naman ako na nasa paligid lang."
Muling tumango si kuya Arman at hindi na muling nag-usisa pa. Nang makarating kami sa dulong baryo ng Isla Lefevre, the cold breeze of the evening wind embraces my whole body. Kanina pa naka-alis ag driver ko ang mag-isa nalang ako ngayon, malungkot na naka-ngiti habang tinatanaw ang malawak na karagatan.
Ang dating dikit-dikit at maingay na kabahayan dito sa dulong parte ng Isla Lefevre, wala na ngayon. Wala na ibang taong nakatira dito dati. Even Sela's whole family is living somewhere else. I think they have a good life because Sela is abroad and their business has grown well for five years. 'Yung ibang bahay na natitira rito, nagbago na rin, ni-renovate. Hindi na tagpi-tagpi at puro kahoy, simentado na.
Napaka-rami pala talagang nag-bago sa loob ng limang taon, at isa na ako roon.
"Era? Hija! Ikaw nga ba iyan?!"
Gulat akong napalingon sa bigla na lamang sumulpot sa aking tabi. Si Aling Susing. Nandito pa rin pala siya. Hindi ko na siya masyadong nakikita noong mga nakaraang bisita ko rito, e.
"Opo, Aling Susing. Kamusta na po kayo?"
Mas lalong dumepina ang kulubot na balat niya nang ngumiti siya sa akin. "Ayos naman. Tumigil na kaming dalawa ni Bernard sa pangingisda dahil palagi nang nakakapagpadala ng pera si Ophelia. Maganda ang trabaho ng asawa niya sa Maynila kaya nakabili kami ng malaki-laking lupa sa bayan. Ikaw, hija, kamusta? Kumain ka na ba?"
Matipid akong ngumiti at umiling. Wala akong gana.
"O' siya, sumama ka muna sa akin at nagluto ako ng masarap na hapunan. Teka, ayos ka lang ba? Umiiyak ka ba, Era?"
Bawat banggit ni Aling Susing sa lumang pangalan ko'y nagdudulot ng paulit-ulit na sakit sa akin. "Aling Susing, hindi na po Era ang pangalan ko. Fleurencia na ho. 'Yung Fuerza Valiente po na hotel dito... ako po ang may-ari." napakamot ako sa ulo ko nang sabihin ko iyon at unti-unting lumitaw ang gulat sa mukha ni Aling Susing.
Napatakip ito ng bibig at bahagyang umatras habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. "Ano?! Totoo ba iyan?! Hindi ako makapaniwala, hija... Hindi ako makapaniwala ganito kalayo ang mararating mo. Ibang-iba kana!"
"Hindi naman po. Ako pa rin po 'yung dating Era na nakilala niyo." I chuckled a bit.
~*~
BINABASA MO ANG
Unwanted Waves (ECS#1)
Ficção GeralEstá Caliente Series #1: Fleurencia Therese Lazigosia Era is a simple woman living in Está Caliente with her grandmother. She did not know if her parents were still alive and who they were. Hindi niya na iyon masyadong iniisip dahil para sa kaniya...