Kabanata 20
Cuddle
Halos matawa ako sa kaniyang sinabi. Hindi naman sa ayaw ko, ngunit wala sa itsura niya na mahilig siya sa gano'n. Well, hindi ko pa naman talaga siya gaanong kilala. I fell in love with the man I don't really know.
Akala ko'y nagbibiro lamang si Eli ngunit matapos naming mag-agahan at matapos kong maligo. Inaya niya akong manood ng TV sa sala. Pumayag naman kaagad ako dahil wala naman akong gagawin ngayon. Kanina nakatanggap ako ng text galing kay Sela na hindi naman daw galit si Ma'am Carol sa biglaang pagliban ko sa trabaho. Dahil sa text na iyon na naging palagay na ang loob ko.
Bigla rin sumagi sa isip ko si Lola. Kamusta na kaya siya at ano kayang ginagawa niya ngayon? Nag-text ako sa kaniya kanina at isang beses lamang siyang nagreply sa akin. Sinabi niya rin na huwag ko siyang tawagan at hindi pa rin maayos ang signal. Seriously, nag-aalala ako kay Lola. Nasaang lugar kaya siya sa Cebu kung bakit wala pa rin siyang signal hanggang ngayon. 'Di bale na, hihintayin ko na lamang ang pag-uwi niya mamayang hapon.
"May gusto ka bang kainin? I'll cook."
Ngumiti ako at umiling. May tinapay at juice na sa lamesa habang nanonood kami ng TV. Hindi naman ako gano'n kagutom kaya sapat na ang pagkaing narito. Iniisip ko rin kung may stocks pa ba kami ng pagkain sa kusina.
Tumango siya at muli akong inihilig sa kaniyang dibdib. Kanina pa ganito ang ayos namin at hindi naman ako nagrereklamo. Gusto ko pa nga ito, e. Ngayon lang ako naging komportable ng ganito sa kaniya. Sa ilang linggo naming magka-relasyon ngayon pa lang ako naging masaya ng ganito habang magkasama kami. Palagi kasi akong abala sa trabaho. Palaging wala sa bahay.
Pagkatapos ng nangyari sa amin. Tsaka ko lang napagtanto na masyadong mabilis ang lahat sa pagitan namin. Isang linggo nang dumating siya rito nagkaroon kaagad ako ng gusto sa kaniya at isang sa isang buwan niyang pananatili rito, may nangyari kaagad sa amin. Hindi ko na iyon mababawi pa at ginusto ko rin naman. Kagabi natatakot pa ako pero ngayon, hindi ako nagsisisi. Kaya nga lang, hindi ko alam kung paano sasabihin ang lahat kay Lola.
Pakiramdam ko tuloy ang rupok ko. No matter how many times I remind myself that it is not possible, I am still being violated by my own lust and love for this man. I have driven him away several times but he always says that he will never leave. Somehow, I was encouraged by what he said.
He said he will marry me.
I smiled melancholy at that. Yes, I want him to marry me but I will not allow it right now. Hindi ngayong nabubuhay lamang siya gamit ang isang banyagang pangalan. Hindi ngayon. Kapag bumalik na ang alaala niya at tinanong niya ulit ako, doon lang ako papayag. Ang tanong ay kung tatanungin niya ulit ako kapag tinanggihan ko siya.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Eli? Living in a place like this forever... and with me? You can't really say that." umiling ako, hindi sang-ayon sa kaniyang sinabi kanina lang.
Paano naman siya makukuntento sa ganitong pamumuhay? Masyadong simple at nakakabagot.
"Why not? I'm contented with a place like this as long as you're with me." seryoso niya akong tinitigan. "Why? Are you going to push me again? Sorry, but I'm not really leaving. I like it here. In the place where you are and where I met you. "
"And what about your real life? Hindi pwedeng dito ka lang." sumimangot ako at lumayo sa kaniya.
Tinangka niya akong ibalik sa kaniyang dibdib ngunit umiwas ako. Naiinis sa mga sinasabi niya. Handa na ako. Handa na akong ipaglaban siya ngayon, pero sana, pumayag siyang tulungan ko siya na maibalik ang mga alaala niya. Sana pumayag siya sa gusto ko. Para rin naman ito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Unwanted Waves (ECS#1)
General FictionEstá Caliente Series #1: Fleurencia Therese Lazigosia Era is a simple woman living in Está Caliente with her grandmother. She did not know if her parents were still alive and who they were. Hindi niya na iyon masyadong iniisip dahil para sa kaniya...