Kabanata 41
Unknown
Pagkapasok namin sa Lazigosia Building at pagkarating sa floor kung nasaan ang opisina ni papa, mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Enzo. Nagtataka talaga ako kung bakit wala man lang bakas ng kaba sa kaniyang mukha gayong siya itong mismong magsasabi at magpapaliwanag kay papa ng lahat-lahat. Naisip ko na baka matagal na silang magkilala kaya palagay na ang loob nila sa isa't-isa ngunit kahit na gano'n nga, dapat pa rin siyang makaramdam ng kaunting kaba. Aba, hihingiin niya ang kamay ko sa papa ko, e. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam kapag may magulang kang pagsasabihan ng mga ganitong bagay.
"Chill na chill ka riyan, ah? Nakapaghanda ka ba ng speech?" kinakabahang biro ko kay Enzo habang tinatahak namin ang pasilyo. Ang bawat empleyadong makakasalubong namin ay nagbibigay galang. Hindi ko kilala ang halos lahat sa kanila dahil minsan lang naman ako mapadpad dito. Wala kasi talaga akong interes sa business ng pamilya namin.
Napatingin ako sa suot ko. Nakasuot lamang ako ng gray na wrapped dress at itim na ankle strap sandals. Si Enzo naman ay naka black long sleeve at maong pants lang. Halatang hindi namin pinaghandaan ang pagpunta rito.
"Why are you so nervous? Relax, I'll take care of everything. Kapag hindi pumayag ang papa mo, itatanan na lang kita." tumawa siya kaya naman umirap ako. He's not helping. Mas lalo niya lamang pinalala ang kaba na nararamdaman ko.
Kumatok kami bago pumasok sa office ni papa at nadatnan namin siya roon na may kausap na kliyente. Tumaas ang dalawang kilay niya nang bumaling siya sa direksiyon namin ni Enzo. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tuluyan ng pumasok sa office ni papa. May sinabi siyang kung ano sa lalaking kausap niya bago sila nagligpit ng mga papeles sa lamesa at tumayo.
"Busy?" tanong ko.
Umiling si papa at ngumisi lalo na nang dumako ang mga mata niya sa mga kamay namin ni Enzo na magkahawak. Agad kong binawi ang kamay ko ngunit kinuha ulit ni Enzo.
"Mr. Lazigosia, babalik na lang po ako sa ibang araw para idetalye sa inyo ang iba pang importanteng mga bagay." magalang na sabi ng lalaking kausap ni papa bago ito tumayo.
Tumango si papa at inasikaso muna ang bisita niya bago niya kami binigyan ng buong atensiyon. Hindi pa rin naglalaho ang ngisi niya kaya naman napalunok ako.
"Uh, papa... I-I have something to--" natigil ako sa pagsasalita at napabaling kay Enzo nang ilagay niya ang isang kamay niya sa baywang ko. Napangiwi ako at akmang sasawayin na siya nang magsalita si papa.
"What is it, hija, hijo? Is it very important at talagang magkasama pa kayong dalawa na nagpunta rito sa opisina ko?" papa laughed and raised a brow.
"Very, Mr. Lazigosia.." magalang na sabi ni Enzo. Napatitig ako sa kaniya. Wala talagang bakas ng nerbiyos sa kaniyang mukha.
"Well, kung gano'n. Maupo muna kayo." inilahad ni papa ang visitor's couch sa amin at naupo rin siya sa katapat. "Gusto niyo ba ng tea? Coffee or juice, hija?"
Umiling ako nang makaupo kaming dalawa ni Enzo sa harapan ni papa. Nagugusot ko na ang laylayan ng dress ko sa tindi nang pagkakalamukos ko roon. Enzo was seriously seating beside me. Hindi ko alam pero parang nag-uusap ang utak nilang dalawa ni papa. Something I can't relate. Parang may koneksiyon silang dalawa. Napalunok ako at nag-init ang pisngi ko habang iniisip kung paano sisimulan ang usapang ito. Hindi ko alam kung ako ba dapat ang unang magsalita o hindi dahil ng sabi kanina ni Enzo ay siya na ang bahala.
![](https://img.wattpad.com/cover/227581189-288-k738192.jpg)
BINABASA MO ANG
Unwanted Waves (ECS#1)
Fiction généraleEstá Caliente Series #1: Fleurencia Therese Lazigosia Era is a simple woman living in Está Caliente with her grandmother. She did not know if her parents were still alive and who they were. Hindi niya na iyon masyadong iniisip dahil para sa kaniya...