Kabanata 25
Letter
Nanatiling nakakabagot ang sumunod na araw ko dito sa Maynila. I can't go out because I'm not familiar with it and Zach is busy with his company so he can't be with me. I spend my time cleaning the house, watching television and reading the books I bought yesterday. Dalawa lamang ang nabili ko dahil iyon lang ang kaya ng perang dala ko. Hindi ko hinayaan si Zach na bayaran ang mga iyon dahil masyado na akong nahihiya.
Tulad ng nangyari kahapon, binisita ulit ako ni Zach sa condo. Hindi na ako pumayag na lumabas kami kaya bumili nalang siya ng makakain. Nahihiya na talaga ako sa kaniya sa totoo lang. Pagkagaling niya kasi sa trabaho ay dumidiretso siya dito. Alam kong pagod siya dahil halata iyon sa itsura niya pero ayaw niyang aminin. Ayaw niyang aminin ang abala na naidudulot ko sa kaniya.
"Bukas na luluwas si Tita Darcy pabalik dito. Are you ready?"
Natigil ako sa pagsubo sa pagkain ko nang marinig ang tanong ni Zach. Oo nga pala! Bukas na nga pala ang balik ni Miss Darcy dito. Bukas na niya rin ata ako dadalhin sa pamilyang sinasabi niya! Umaapaw ang kaba sa buong sistema ko dahil sa sari-saring bagay na tumatakbo sa isip. Paano kaya kung mag-negative ang result ng DNA Test? O kaya, paano kung mag-positive nga pero naman nila ako matanggap bilang anak nila. Saan na ako pupulutin? Nakatira lang ako sa condo na ito ng pansamantala kaya siguradong kakailanganin kong maghanap ng trabaho sa oras na maging negative ang result.
"Are you okay, Era? Ang putla mo. Ano'ng iniisip mo?"
Umiling ako at tipid na ngumiti. "W-Wala naman... Iniisip ko lang kung bakit ang bait niyo sa akin ni Miss Darcy."
He chuckled. "Ako gusto kita. Si Tita Darcy naman, mukhang gusto ka rin niya. Mabait ka kasi at malinis ang kalooban. Siguro, namimiss niya lang ang anak niya."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Zach. May anak na si Miss Darcy?!
"Tulad mo, namatay rin ang anak niya. Pero 'yung kay tita, pagkapanganak niya." mahinanong sabi niya.
Inayos ko ang reaksiyon ko at bahagyang nalungkot sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. May anak na pala si Miss Darcy at namatay... rin.
"I'm sorry to hear that..." may bahid ng lungkot sa tono ko.
"It's okay. Matagal na 'yon, e. Tsaka hiwalay na rin sila ng asawa niya."
Mas lalo pa akong nagulat. "Huh?! Pero bakit? Dahil ba sa... namatay nilang anak?"
Zach sipped on his juice before he shook his head. "No. Hiwalay na sila ni Tita Darcy bago pa namatay ang anak nila."
"Oh." tanging nasabi ko bago binalingan ang pagkain ko.
So, parehas pala kami ng pinagdaanan? Marami pa sana akong nais itanong ngunit hindi ko na iyon naisa-tinig pa.
BINABASA MO ANG
Unwanted Waves (ECS#1)
Ficción GeneralEstá Caliente Series #1: Fleurencia Therese Lazigosia Era is a simple woman living in Está Caliente with her grandmother. She did not know if her parents were still alive and who they were. Hindi niya na iyon masyadong iniisip dahil para sa kaniya...