Kabanata 12
Work
Lumilipad ang utak ko sa napag-usapan namin nila Miss Darcy kanina sa kabilang Isla. Kanina pa nakauwi sina Sela at Ophelia simula nang makabalik kami rito ngunit ako'y naririto pa rin sa dalampasigan. Ala sais na ng hapon at tahimik akong nakaupo, nakatingin sa hilera ng mga bangkang naka-daong. Iniisip ko na naman 'yung kwento sa akin ni Lola noon. Nalulungkot ako sa tuwing naaalala iyong malungkot na mga mata ni Lola habang pinipigilan niya ang sarili niyang hindi maiyak dahil sa pagkaka-diskubre niya sa akin.
Ayaw naman talaga niyang i-paalam sa akin ang pangyayaring iyon ngunit pinilit ko siya. Nasa tamang pag-iisip na ako nang malaman ko ang buong katotohonan kung bakit wala akong Mama at Papa. Kung bakit sina Sela, Ophelia, Kiel, Thadeo at ang mga kaklase ko ay mayroong mga magulang at ako ay wala.
Palagi akong uhaw sa pagmamahal ng ama't ina simula pa noon. Inggit ang kauna-unahang bagay na naramdaman ko noong pumasok ako sa skwelahan at makita ang mga kaklase ko, kasama ang mga magulang nila. But Lola Tilda filled those emptyness in me. Kung wala siya, wala rin ako.
Pinalis ko ang mga luhang dumaloy na pala sa magkabila kong pisngi. Sinikop ko ang mahaba kong buhok at nagpasiyang tumayo na. Kinuha ko ang bag ko at isinukbit iyon sa balikat ko. Pinagpagan ko muna ang pwetan ko bago ako naglakad. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo nang tuluyan sa dalampasigan ay narinig ko na ang pangalan ko.
"Hey! Era!" bati ng isang pamilyar na lalaki.
Naglalakad ito papalapit sa akin hawak-hawak ang isang bagay na sa tingin ko'y digital camera. Nililipad ng hangin ang kulay brown niyang buhok. Nakasuot siya ng printed na polo, gray short, flipflops at straw hat.
Kumunot ang noo ko nang makalapit siya sa akin at ngumiti. Ito ang pangalawang beses na nakita ko siya. Hindi na kami ni Lola nagtitinda sa palengke kaya iniisip kung ano ang sadya niya sa akin.
"Hindi na kami magtitinda ni Lola sa palengke." sambit ko.
Tumawa ito at umuling. Sa pagtawa at pagngiti niya'y lumilitaw ang malalim niyang dimples. "I know. Pero hindi ako nagpunta rito para roon."
"E, ano pala? Ano'ng sadya mo?" nagkibit ako ng balikat.
The side of his pinkish lips rose up. Inayos niya ang buhok niyang ginugulo ng hangin at pinanatili ang kamay roon. "I wanted to see you."
Namilog ang mga mata ko at parang hindi ako kaagad nakalagalaw dahil sa sinabi niya. Pinanatili ko ang kulay kape kong mga mata sa kaniyang mukha. Hinihintay kong bawiin niya ang sinabi niya dahil hindi nakakatuwang biro iyon. Anong sinasabi ng isang 'to? Close ba kami? Oo, gwapo siya pero hindi kami close.
Kumunot ang noo ko nang tumawa siya. Parang may namumuong iritasyon sa aking kaibuturan dahil bigla siyang ngumisi. I was about to say something when he suddenly grabbed my hand and put something on it. I was stunned.
Isinarado niya ang palad ko upang ikulong ang bagay na iyon doon. Agad ko namang binawi ang kamay ko sa kaniya upang tingnan kung ano'ng inilagay niya sa kamay ko.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Nagtatanong ang mga ko habang nakakatitig sa isang pilak na porselas at may ilang berdeng bato na palawit. "Aanhin ko ito? At bakit mo ibinibigay sa akin ito?"
"I found it on the shore. Akala ko sa 'yo 'yan. Pagkaalis mo kasi roon sa pwesto mo kanina nakita ko 'yan." he explained.
Tinaasan ko siya ng kilay at binalikan ulit ang isang bagay na nasa palad ko. Hindi ako naniniwala. Mukhang bago pa ang bracelet na ito. Paanong magkakaroon ako ng ganitong klasing alahas? This looks expensive!
BINABASA MO ANG
Unwanted Waves (ECS#1)
Ficción GeneralEstá Caliente Series #1: Fleurencia Therese Lazigosia Era is a simple woman living in Está Caliente with her grandmother. She did not know if her parents were still alive and who they were. Hindi niya na iyon masyadong iniisip dahil para sa kaniya...