Kabanata 32

218 4 0
                                    

Kabanata 32

Sorry

"Bakit ka ba natatawa diyan, Zach? Baliw ka ba? Para 'yun lang, pinagtatawanan mo na?" inis na sabi ko kay Zach dahil kanina pa siya tawa nang tawa nang makaalis kami sa kapitolyo.

Nakasakay ako ngayon sa sasakyan niya at pabalik na kami sa hotel. Nasabi niya sa akin na ako ang sadya niya sa kapitolyo dahil iyon ang sabi sa kaniya ng sekretarya ko. Mabuti nalang talaga at bigla siyang dumating. Kung hindi, baka sa lalaking iyon ako sumabay.

"Didn't you see his face, Fleur? Priceless!" he chuckled more while driving. "Ngayon ko lang nakita iyon sa kaniya. Your venom is really something."

Hinampas ko siya sa braso kaya agad siyang napangiwi.

"Venom? Pinag-sasabi mo, diyan?!"

"Ang sinasabi ko lang. May epekto ka pa rin pala sa kaniya. Biruin mo 'yon?" tumawa siya. "A few years have passed but--

"Ah, shut up. Bakit ka ba kasi nandito, ha?" iritang tanong ko.

"Wow, ha. Kanina parang hulog ako ng langit sa 'yo ngayon..." he shook his head. "Masama bang dalawin ka rito? Titingnan ko lang naman kung wala kang ginagawang kabulastugan, e. Nakauwi ka na pala kahapon, pinuntahan pa kita sa inyo."

"Tss... Nag-away na naman ba kayo ng girlfriend mo? Kaya ka dumidikit sa akin?" naningkit ang mga mata ko. When he fought with his girlfriend, he always comes to me no matter where I am in the corner of the world just to talk and express his resentment. Ewan ko ba sa isang ito. Sa aming tatlo, si Klaudia ang pinaka-magaling magbigay ng abiso.

"We already broke up."

"Well, ganiyan tala-- What?!" gulantang na sigaw ko.

"Oh, why are you so shocked there? I've been telling you for a long time that my relationship with Erysse is already choking, right? She broke up with me last night just because I failed to pick her up. Ang babaw, 'di ba? Well, bahala siya."

"Gago. Para kayong bata." napailing-iling na lamang ako.

"Bata? Siya lang. Dapat talaga 'yung mga ka-age mo ang nililigawan ko, e. Epal ka kasi, hindi pa ako sinagot noon. I'm too handsome to be basted." he said proudly.

"Yabang mo. Buti nga sa 'yo." natatawa kong sabi.

~*~

"Ayos pala 'tong, negosyo mo 'no? Makapag-hotilier na lang din kaya? Bilhin ko property ni Tito sa kabilang isla." sabi ni Zach habang inigagala ang buong paningin niya sa restaurant ng hotel ko.

Kanina pa kami nakabalik sa hotel ay inaya niya akong kumain sa Dinner Cuisine na agad ko naman sinang-ayunan dahil gutom na rin talaga ako. Nag-oder si Zach ng shrimp pasta at wine habang ako naman, ipinahatid ko rito iyong ginataang isda na nasa office ko. Nag-order din ako ng mango juice bilang panulak.

"Tumigil ka nga. Alam kong ayaw mo sa pagho-hotel. Tsaka ano'ng property ng tito mo? Matagal nang giniba ang Hotel de Louviere sa Isla Alvardo, ah? Is that the property you are talking about?" sabi ko sabay inom sa juice ko.

Ngumuso siya. "It still belongs to him. He didn't sell the land. Sayang daw kasi ang ambiance sa lugar na 'yon. Ano sa tingin mo?"

"Ano'ng ano sa tingin ko? 'Ba malay ko." kibit balikat na sagot ko.

"I like it here in Esta Caliente. Bilhin ko nalang kaya 'yung property ni tito tapos gawin kong hard ware? Para may dahilan na ako kapag palagi akong pupunta rito."

Unwanted Waves (ECS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon