Kabanata 31Hotel
Bago ako tuluyang umalis, naisipan kong puntahan muna si papa sa company namin. It was six thirty in the afternoon and I'm already dressed. Siguradong magagalit si papa kung aalis nalang ako basta-basta kaya naman magpapaalam muna ako sa kaniya.
I took off my shades as I got out of my car. I was immediately surrounded by three body guards. Hays, kapag talaga narito ako sa Maynila, mas marami ang nakakasama kong body guards. Wearing my maroon pant suit with a black tube top underneat and black stilettos, I walk along the lobby with so much confidence. Taas noo akong naglakad papunta sa receptionist. Pagkakita pa lamang sa akin, agad na siyang tumango at ngumiti.
"Nasa office po si Mr. Lazigosia, Ma'am Fleur. Ipaalam ko po ba na narito kayo?" she asked.
I shook my head and smiled. Inilagay ko ang shades ko sa aking ulo bago nagsalita. "Huwag na, didiretso na lang ako roon."
Tumango ito at hinayaan na akong makaalis. When I entered papa's office, I immediately placed a paper bag containing pasta and fresh fruits on his coffee table. In front of him was his laptop and he looked very serious about what he was doing.
"Fleur? Is there a problem?" he raised a brow without looking at me.
Mataman kong tinitigan si papa. Akala ko hindi niya ako napansin na pumasok dahil hindi niya agad ako pinuna ngunit masyado lang pa siyang abala sa kaniyang ginagawa kaya hindi niya kaagad ako pinansin. I sighed.
"Babalik na ako sa hotel mamaya. I brought you food. What are you doing, papa? Parang masyado ka po yatang tutok diyan sa ginagawa mo." I said before sitting on the visitor's couch.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni papa. He massage his forehead while shaking his head. "There was just a glitch in the previous project in iloilo, anak. It's no big deal, don't worry."
Ngumuso ako at humalukipkip. "Papa, do you want me to stay here and help you manage--"
"No need, hija. I can manage everything."
"But you look so stressed and tired. Kumu-kunsulta pa rin po ba kayo kay Doctor Estrella?"
Ngumuti siya at tumango. Isinarado niya ang kaniyang laptop at pinagsalikop ang mga daliri. "Of course. He checked on me last week... Ayos lang ako, anak. Ang mabuti pa'y pag-usapan na lang natin ang negosyo mo. Is there a problem? How's CECC? Did you meet them?"
Napatango-tango ako. Oo nga pala. Iyon ang dahilan kung bakit ako narito ngayon! Muntik ko nang makalimutan. Mabuti at ipinaalala ni papa iyon.
"Are you friend with them, pa?"
Humilig siya sa kaniyang swivel chair at tumango. "Yes. Nalaman kong pinirmahan mo kaagad ang kontrata, hija. That's new. Ang buong akala ko'y matatagalan bago ka pumirma dahil mukhang ayaw mo talaga sa kanila noong nagka-usap tayo sa telepono."
Hilaw akong ngumisi kay papa nang marinig ko ang malutong niyang halakhak.
"I-I can turn it down whenever I want. Nag-mamadali lang talaga akong makauwi nang gabing iyon, pa. Magpapa-tawag pa rin ako ng ilang meeting pagbalik ko roon. You know me, hindi ako basta-basta... uh...nagtitiwala." I took a deep sighed.
Papa chuckled. "You're tense, Fleur. Nakita mo na naman siguro ang head engineer nila, 'di ba? What do you think of him? He's handsome, right?" taas kilay na tanong niya.
BINABASA MO ANG
Unwanted Waves (ECS#1)
General FictionEstá Caliente Series #1: Fleurencia Therese Lazigosia Era is a simple woman living in Está Caliente with her grandmother. She did not know if her parents were still alive and who they were. Hindi niya na iyon masyadong iniisip dahil para sa kaniya...