Kabanata 2

309 16 1
                                    

Kabanata 2

Interview

"Era! Tara na! Dala na namin ni Ophelia 'yung mga resume natin!"

Rinig na rinig ko ang matinis na boses ng kaibigan kong si Sela mula sa labas ng bahay namin. Nasa kwarto ko pa ako at sinisipat ang sarili ko sa salamin upang malaman kung disente ba akong tingnan. Ngayong araw ang interview namin ni Sela sa bagong bukas na Hotel Resort sa kabilang Isla at kasama namin ang iba pa naming mga kaibigan na nag-aapply din.

Noong nakaraang linggo pa kami nagpasa ng resume at ngayong araw lamang kami isa-isang tinawagan upang ma-interview. Hindi ko alam kung ilang araw akong dinalaw ng kaba para lamang sa araw na ito. Ayokong biguin si lola dahil tulad ng sinabi ko sa kaniyan noong nakaraan ay gusto ko na siyang patigilin sa pagtitinda sa palengke. Ayaw ko na kasi siyang napapagod. Noong huling check-up sa kaniya ng doktor sa bayan, sinabi nito sa 'min na masamang napapagod si lola dahil baka raw bigla nalang itong mahimatay. Natatakot ako na mangyari 'yon kaya hangga't maaari, nakiusap ako sa ilang kapitbahay namin na kasama ni lola sa pagtitinda sa palengke na tingnan tingnan ito. Hindi kasi ako makasama kay lola sa pagtitinda dahil marami rin akong ginagawa. Nangingisda ako sa umaga, sa hapon naman ay sumasama ako sa kina Sela at Kuya Sergio na mag ani ng prutas at gulay sa taniman nila. Pero minsan lang 'yon, kumpleto na kasi sila sa tauhan kaya hindi na ako kailangan doon. Naghahanap nalang ako ng ibang pagkakakitaan minsan.

Napabuntong hininga ako bago lumabas ng kwarto dala ang envelope na naglalaman ng ilang papeles tungkol sa akin. Ang mga papeles na ito ang requirements doon sa in-apply-an naming trabaho.

Sa sala, nadatnan ko roon sina Sela at Ophelia kasama ang iba pa naming ka-edad na kapitbahay. Dalawang lalaki at isa pang babae. 'Yung isang lalaki ay nobyo ni Ophelia. Kung gano'n mag aapply rin pala ng nobyo niya? Ang alam ko kasi ay arkitek sa bayan ang tatay nitong nobyo ni Ophelia. Hindi ko na lamang iyon inisip pa. Wala naman ako sa lugar upang pakialaman sila. Lahat sila'y mukhang disenteng tingnan hawak ang kani-kanilang envelope.

"Hoy! Ang tagal mong mag-ayos ha! Ano, handa kana ba, Era?" bungad sa 'kin ni Sela. Tumayo ito at binigyan ako ng isang pilyong ngiti. Ang ayos niyang tingnan ngayon sa suot niyang white na collar blouse at black na slacks na tinernuhan ng itim na heels. Nakapuyod ang katamtamang haba ng itim na buhok nito at naka make-up din siya.

Tumango ako. "Oo, ilang gabi akong hindi pinatulog ng interview na 'to, 'no. Kinakabahan talaga ako." serysong sabi ko. Ito ang unang beses na mag-aapply ako bilang crew kaya naman talagang kinakabahan ako.

"Hoy, ako rin kinakabahan!" lumapit si Ophelia sa 'min at nakigulo na rin. Sumunod naman ang nobyo nito.

Pagkarating namin sa dalampasigan, natanaw ko roon ang papa ni Sela, si Tito Samuel. Siya ang maghahatid sa'min patungo sa kabilang Isla. Sasakay kami ngayon malaking bangka upang maging ligtas ang biyahe dahil anim kami.

Sa gitna ng biyahe ay hindi maitago ang kaba ko. Nagawa ko pang lingunin ang Isla Lefevre habang naglalayag kami palayo roon. Tanaw na tanaw ko ang nakakandado naming bahay. Naka schedule ang pagtitinda ni lola ngayon sa palengke kaya naman mamaya pa ang uwi nito.

"Era, alam mo ba--"

"Hindi ko pa alam." pabirong putol ko sa sinasabi ni Sela.

Inirapan niya ako at nagpatuloy sa pagsasalita habang nasa biyahe kami. "Alam mo ba, 'yung may ari daw ng hotel resort sa kabilang isla ay talagang mayaman at kilalang tao. Ang alam ko kumikita sila ng milyon-milyong halaga sa lahat ng hotel nila sa buong Pilipinas! Kaya nga hindi na ako magtataka kung malaki silang magpasahod. Sana matanggap tayo, ano?"

Unwanted Waves (ECS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon