Kabanata 27
Lazigosia
Nagising ako dahil sa tunog ng tawag sa aking cellphone ko. Napangiwi ako nang maramdaman ang pananakit ng mga braso't hita ko. Sa sahig na pala ako nakatulog sa sobrang iyak at pagod ko. Tinuyo ko ng palad ang mga pisngi ko bago hinagilap ang cellphone ko nakalapag iyon sa sahig at patuloy sa pagtunog.
"Yes, Suzanne?"
"Hello, Madame. Sorry for the inconvenience but I just want to ask when are you coming back here to Fuerza Valiente? There are many documents here that require your signature. Pasensiya na po. Signatory lang talaga lahat, Madame Fleur."
Napabuntong hininga ako at sinuklay ng daliri ang aking maiksing buhok. I-isang araw pa lamang akong wala sa hotel pero kailangan ko na kaagad bumalik. "It's alright, I'll come back tomorrow." sagot ko. Napaayos ako ng upo nang may sumagi sa isipan ko. "Uh, 'yung... construction team ba, Suzanne..."
"Yes, Madame. Ano po'ng mayroon sa kanila?"
I bit my lower lip. "H-Hindi pa ba sila...uh nagsisimula?"
Sinampal ko ang sarili matapos kong itanong iyon. Malamang hindi pa sila agad-agad magsi-simula. Kahapon ko lang pinirmahan iyong kontrata kaya malamang ay kailangan ko ulit ang kausapin ang CECC para isang mas malinaw na pagsasagawa. Nakakahiya rin dahil basta ko lamang iyon pinirmahan! How unprofessional! Pwede ko pa naman iyong bawiin kaya nga lang nakakahiya iyong ginawa kong pag-pirmi nang hindi man lang binabasa ang nasa dokumento. Baka mamaya may hindi ako gusto ko roon!
"Hindi pa po, Ma'am. Bukod sa hindi pa po nila nare-review ang buong mapa ng Hotel, umalis rin po si Engineer Castellon--"
Napabalikwas ako. "What?! Bakit? May sinabi ba? S-Saan daw pupunta?"
Tumikhim ang sekretarya ko. Tsaka ko lang din na-realize iyong mga sinabi ko.
"Don't get me wrong, Suzanne. Syempre, kinuha ko sila. Dapat lang na maging responsable sila at ipaalam kung saan man sila pupunta. Now, if that Engineer didn't tell you anything. It's really fine-- "
"Babalik daw po ng Manila para sa ilang trabaho. Iyon po ang narinig ko sa mga kasamahan niya."
Kunot ang noo ko habang sinu-suklay ang basa kong buhok sa harap ng dresser. Nasa loob ng ako walk-in closet ko at katatapos ko lamang maligo. Pasado ala singko na at sa tingin ko pauwi na si papa.
Ano naman kayang gagawin ng lalaking iyon at bumalik siya rito sa Maynila? Ano, dadalawin niya ang asawa niya? Tss. Para naman siyang ignorante. Pwedeng-pwede silang mag-video call sa Hotel ko. Duh? Lakas-lakas ng internet do'n, e! Pero sandali! Ano bang pakialam ko kung gusto niyang dalawin ang asawa niya? Hindi ko na dapat pinanghihimasukan ang bagay na iyon, ugh!
Padabog kong inilapag ang hair brush sa ibabaw ng dresser habang magkalapat ng mariin ang mga labi. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Anlaki ng ipinagbago ko. Mula sa dating mahaba at ginintuan buhok, ngayon maiksi at kulay itim na. Ang porselana kong balat, ngayon sobrang kutis at puti na. Ang mga labi kong may natural na pagkapula noon, ngayon ay nalalapatan na ng mamahaling lipstick. Nababahiran na rin ng manipis na eye shadow ang ibabaw ng aking mga mata dahilan para mas lalo 'yun maging kapansin-pansin.
BINABASA MO ANG
Unwanted Waves (ECS#1)
General FictionEstá Caliente Series #1: Fleurencia Therese Lazigosia Era is a simple woman living in Está Caliente with her grandmother. She did not know if her parents were still alive and who they were. Hindi niya na iyon masyadong iniisip dahil para sa kaniya...