Kabanata 34

198 6 0
                                    

Kabanata 34

Reasons

Tama, hinihintay ko pa rin siya. Hindi ko man palaging iniisip at sinasabi, alam ko sa sarili ko na naghihintay pa rin ako sa pagbabalik niya. Kahit gaano pa kasakit at kasama ang nagawa niya sa akin, umaasa pa rin akong babalik siya, at sa akin.

I knew I was a big fool to rely on the person who hurt me. But what can I do? I did not choose him but my heart. Mayaman ako, sucessful, maganda. I already have everything but I always feel that something is missing. I have fulfilled all my dreams before. I have graduated, have money, have a good job, have been to different countries but ... there is always something missing. I always feel that I am not happy...

Umaasa ako sa pagbalik niya sa buhay ko pero kahit kailan, sa loob ng limang taon na nagdaan, pinilit kong hindi alamin ang nangyayari sa buhay niya. Palagi akong gustong i-update ni Sela o kaya ni Klaudia, dahil sila ang may hilig na mang-stalk sa lalaking iyon pero ako hindi. For five years I forced myself to change and remove what my heart was saying. I took my studies seriously and went abroad a few times to forget. But no matter what I did, nothing helped. I still feel like I am trapped in the memories of the past.

Akala ko pagbumalik ako sa lugar na ito at nakita ko siya... Akala ko kaya ko na. Akala ko hindi na ako masasaktan. Akala ko ayos lang. Puro akala...

I would have liked to just pass his presence here at my hotel and just put up with it until his work here is over but it 's hard to control how I feel. It's hard to control the pain I feel. Lalo na noong humingi siya ng tawad sa akin kanina.

It's hard to ignore the feeling when you are in so much pain. I thought I could put up with it. Ngunit hindi, kapag nakikita ko siya at kapag malapit siya sa akin, libo-libo ng sakit ang sumasaksak sa puso ko.

I sighed and rubbed my palms. Niyakap ko nang mahigpit ang aking sarili dahil lumalalim na ang gabi. Hindi na lang muna siguro ako papasok bukas. Kaya kong mag-trabaho gamit lang ang laptop ko. Sa sobrang lamig ng pakiramdamn ko ngayon parang nawawala na ang epekto kalahating bote ng alak na nainom ko sa aking katawan. Gusto ko ring ilubog ang buong katawan ko sa buhangin upang hindi na ako lamigin. Bakit naman kasi hindi ko dinala 'yung coat ko, e.

"Wear this,"

Napatalon ako sa kinauupuan ko nang bigla na lang may nagpatong sa balikat ko ng isang jacket. Nilingon ko siya at mapait akong napangiti.

"Oh, you're here. Ano'ng gusto mong pag-usapan natin? Saan mo gustong mag-umpisa?" I said sarcastically, forcing myself to be brave in front of him.

Gustong-gustong ko nang tawagin ang mga luha ko at upang makita iyon ng lalaking ito at maawa siya sa akin. Pero naisip ko, hindi pala bagay sa akin ang kaawaan. I also don't want us to get along because he feels sorry for me.

Epekto ng alak. Palagi na lang, tuwing nalalasing ako, mas lalo akong nagiging desperada na bumalik siya sa akin. Bakit ko ba ito ginagawa? Bakit siya?

"Malamig na rito. Ihahatid na kita sa mansion mo." kalmadong sabi niya. Nag-iwas siya ng tingin habang nakatayo sa gilid ko.

Napansin ko ang itsura niya. Naka-suot lang ng simpleng itim na t-shirt at cotton short. Magulo ang kaniyang buhok at namumula ang kaniyang mga mata.

Ano'ng ibig sabihin no'n? Umiyak ba siya? Tss, bakit naman siya iiyak? Baka naman nag-away sila ng Architect niya dahil hindi sila nakaalis ngayon dahil sa akin. Tss, bahala sila sa mga buhay nila.

Unwanted Waves (ECS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon