Kabanata 9

166 11 0
                                    

Kabanata 9

Safe

"Umuwi na tayo, Eli." nakangiti kong sinalubong si Eli pagkalabas ko ng grocery store dala ang isang malaking supot ng mga pinamili ko. Sinensyasan ko siyang sumunod sa 'kin na mabilis naman niyang sinunod.

Habang naglalakad kami papunta sa may paradahan ng trycicle hindi ko maiwasang isipin iyong sinabi ng ni Dr. Guevarra kanina. Gumaan ang loob ko nang makausap ko siya tungkol doon sa hospital bill na Eli na binayaran niya. Hind ko pa rin maiwasang hindi magtaka sa ginawa niya gayong ipinaliwanag na naman niya sa 'kin na palagi niya iyong ginagawa sa mga pasiyente niyang hindi kayang magkabayad agad-agad. Isang bagay lang ang naisip kong dahilan, mayaman siya. Bata pa siyang Doktor at sa tingin ko'y wala pa siyang pamilya kaya wala siyang kailangang gastusan kundi ang sarili niya. Sa tingin ko rin ay bago lang siya rito, isa o dalawang doktor lamang ang napapadestino dito sa lugar namin at noong huling punta ko sa hospital upang ipa-check-up si Lola ay iba doktor na nag-asikaso sa 'min.

Napabuntong hininga na lamang ako. Masyado ko na yatang pinanghihimasukan ang buhay ng Doktor na iyon. Matatahimik lang siguro ako kapag nabayaran ko na siya. Balak ko na sanang galawin ang perang ipon ko sa bangko upang bayaran siya ngunit dahil sa sinabi niyang hindi niya naman ako ino-obliga ang nagpapigil sa 'kin. 'Di bale na, malapit na naman akong magtrabaho sa Hotel sa kabilang Isla. Sa unang sweldo ko'y magbabayad kaagad ako ng kalahati.

"Hindi na ba sumasakit ang ulo mo, Eli?" naalala ko rin iyong sinabi ng Doktor na iyon. Ang tanga ko, bakit ko nga ba hindi dinala ulit si Eli sa hospital noong mga nakaraang araw na sumasakit ang ulo niya?

Nilingon ako ni Eli at nakangiti siyang umiling. "Not anymore. Why?"

Pareho kaming nakasakay na sa loob ng trycicle. Magkatabi kami at masyadong masikip itong trycicle kaya naman talagang magkadikit kami. Lalo na ang mga mukha namin. Ipinukol ko ang atensiyon sa harapan nang mapagtanto ang distansiya namin sa isa't-isa. Kahit nasa harapan ang buong atensiyon ko'y nararamdaman ko pa rin ang mga titig niya sa 'kin.

Napalunok ako. "N-nakausap ko kasi iyong Doktor na nag-asikaso sa 'yo sa ospital noong gabing iyon sa bayan. May ibibigay raw siyang gamot sa 'yo. Kung gusto mo, dadalhin ulit kita sa ospital bukas..."

"H'wag na.. Ayos lang ako, Era."

"Sigurado ka ba?" Kumunot naman ang noo ko at nilingon siya. Napasinghap ako nang kamuntikan nang magdikit ang mga ilong namin. "S-sabihin mo lang kaagad sa 'kin kung may masakit sa 'yo ha.."

Tumango-tango siya at hinaplos pa ang ulo ko, bagay na ikinabigla ko. "I will, as long as.."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano?"

He smiled and bit his lower lip. "Help me.. Find a job."

Agad na gumuhit ng isang linya ang mga kilay ko. Hindi makapaniwala ko siyang tinitigan. Hinawi ko ang kamay niya sa buhok ko bago nagsalita. "Baliw ka ba? Hindi pwede.. Hindi porket hindi na sumasakit 'yang ulo mo ay pwede ka ng mag-trabaho. Wala pang isang linggo simula noong naaksidente ka." mariing sambit ko.

Isa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit niya nasabi iyon, Sa tingin niya'y pabigat siya sa 'min ni Lola. Kasalanan ko rin naman dahil gano'n ang ipinaramdam ko sa kaniya noong nakaraan.

Ngumuso naman siya. "Bakit naman? I want to.. help you, Era.."

Humalukipkip ako at irita siyang binalingan. "Hindi na. Baka mapasama pa ang lagay mo. Sa bahay ka lang o kahit saan na malapit sa Isla basta hindi ka pwedeng magbanat ng buto.."

Unwanted Waves (ECS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon