Kabanata 8

177 11 0
                                    


Kabanata 8

Gala

"Eliseo.. Hmm. So, I have a name now?"

Napatitig ako ng mukha niya nang sabihin niya iyon. Nangingiti pa siya habang naka-squat sa kabilang gilid ng bangka. Ang parehong siko niya ay nakatukod sa mag-kabilang hita niya. Mukha siyang ewan sa laki ng ngiti niya.

Nasa gitna na kami ng laot ngayon at wala siyang ibang ginawa kanina pa kundi ang panoorin ako. Hindi ko alam kung sa ginagawa ko ba siya nakatingin kanina pa o sa mukha ko. Ewan, hindi ko naman kasi siya tinitingnan ng matagal. Hindi ko kayang tagalan ang titig niya.

"Oo. Pero kung ayaw mo pwede ka namang--" nakangiwi akong nag-iwas ng tingin at nag-pokus na lamang sa pagha-hawak ng lambat. Napalingon naman ako nang magsalita ulit siya.

"No, I like it." tinaas-baba niya ang kilay niya at ngumiti pa. Iyong ngiting kita ang ngipin. Hindi ko alam kung bakit ang gwapo niya sa itsura niyang iyon.Teka, ano bang iniisip ko?

Napabuntong hininga na lamang ako bago ipinukol ang buong atensiyon ko sa paghuhuli ng isda. Nakakainis, dahil nandito siya at pinapanood ako'y nawawala tuloy ako sa konsentrasyon. Nakatayo ako habang siya naman ay nakaupo. Pawisan na ako at gano'n din siya. Tirik na tirik na kasi ang araw at nasa gitna kami ng dagat.

"Mabuti naman kung gano'n." ngumiti ako ng hilaw. "Iyon na lang muna ang gamitin mong pangalan habang hindi mo pa naaalala ang memorya mo. Kapag may nagtanong kung sino ka 'yon ang pangalang sasabihin mo ha."

Nakangalumbaba siya. "How about my surname?"

Mariin akong napapakit dahil sa tanong niyang iyon. Itinikom ko ang bibig ko at bahagyang nag-isip ng isa-sagot doon. Surname? Kailangan niya pa ba iyon? Hays. Para naman akong nagpapangalan sa anak, e. Anong gusto niyang gawin ko mag-imbento?

Dahan-dahan akong umiling. "H'wag mo na munang isipin ang bagay na 'yon. Hindi ka rin naman kasi magtatagal dito 'di ba? Kapag nakakaalala kana, baka basta-basta ka nalang umalis dito at--"

"Hindi ko gagawin iyan, Era.." putol niya sa sinasabi ko.

"E, 'di hindi. Bahala ka sa buhay mo." inirapan ko siya. "Hays, hindi ko talaga maisip kung saan ka nanggaling.." napailing-iling na lamang ako habang salubong ang mga kilay.

"Sorry.." kinagat niya ang ibabang labi niya habang malungkot na nakatingin sa 'kin. "Sorry for being burden to you and to Lola Tilda, Era.. Kung may maitutulong ako sabihin mo lang sa 'kin.. I will not hesitate to help you.."

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa sinabi niya. Namaywang ako sa harapan niya at tinaasan siya ng kilay. "Ano sa tingin mo ang maitutulong mo? E, mukha ka namang walang alam sa mga gawain dito sa isla. Hindi ka marunong mangisda at umakyat ng puno. Hindi mo rin alam ang tawag sa lugaw at sa tabo tapos sasabihin mong gusto mong tumulong? H'wag nalang. Itikom mo na lang 'yang bibig mo at makinig sa sinasabi ko."

Katamikan ang namayani sa 'ming dalawa matapos kong sabihin ang lahat ng iyon sa kaniya. Hindi ko alam pero bigla akong na-kosensiya sa mga pinagsasabi ko nang makita ang malungkot niyang mga mata. Umiigting ang panga niya habang tinititigan ang dagat. Para bang nililibang niya ang sarili niya doon upang maiwasang mag-salita dahil sa sinabi ko.

~*~

Alas diez palang ng umaga ay nakabalik na kami ni Eli sa dalampasigan mula sa pangingisda. Tinulungan niya akong i-daong ang bangka sa daungan kahit na sinabi ko sa kaniyang kaya ko naman. Pinilit niya ako kaya hindi na ako nakipagtalo pa dahil mukhang determinado talaga siyang gawin iyon. Bitbit ko ang nakatuping lambat habang siya naman ang may bitbit ng dalawang baldeng punong-puno ng mga isda. Kakaunti lang ang malalaking isdang nahuli ko hindi gaya noong nakaraan, halos lahat ng laman ng balde ngayon ay puro maliliit na isda.

Unwanted Waves (ECS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon