Kabanata 24

165 3 0
                                    


Kabanata 24


Hurt


Sadness and longing caressed me when I woke up the next day. I also have grains of sweat on my forehead. I dreamed of lola, carrying a baby while swaying her body. Walang tigil sa pag-iyak ang sanggol na buhat ni lola hanggang sa makita ako no'n. I was terrified as I comforted the child. My chest tightens every time I remember how I put that baby in my arms. I wiped the tears from my face as the sun touched my skin. I stayed for an hour in my room because my tears kept flowing. I get hurt every time I think of that dream.


I was exhausted. Lumabas ako ng kwarto kong namumugto ang mga mata. Nagtungo ako sa kusina upang magtimpla sana ng kape. May coffee maker doon ngunit hindi ko naman alam kung paano gamitin kaya nagpa-init nalang ako ng tubig sa kalan. Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ang mga hanging cabinet upang kumuha ng kape. Naisip kong tinapay nalang at kape ang almusalin. Natatakot akong pakialaman ang mga pagkain dito dahil pakiramdam ko'y mamahalin ang mga iyon at hindi sa akin.


I wiped the tears from my cheeks again before I sat on the high chair on the breakfast table holding a mug and a pack of biscuits. I quietly had breakfast until my cellphone rang.


From: Zach


Good morning, Era! I'm at my office. I have a lot to take care of today so I might be able to visit you there later. Are you awake? What are you doing?


Sinulyapan ko ang oras sa itaas ng cellphone ko at napabuntong hininga. Ang aga pa pala. Kung gano'n maaga ang pasok ni Zach sa kumpanya niya? Ano kayang pangalan ng kumpanya niya? Ang sabi niya'y malapit lang iyon dito sa condo.


Tumayo ako at hinawi ng kaunti ang kurtina sa glass wall. Umawang ang labi ko nang makita ang ganda ng tanawin sa labas. Mataas pala ang kinatatayuan ng condo na 'to at kitang-kita ang mga gusali sa ibaba. Ang ganda! Wala akong gagawin buong araw kaya baka pwedeng pagmasdan ko na lang ito?


To: Zach


Yes. Salamat, Zach. Ang ganda pala ng view sa labas.


Kinagat ko ang ibabang labi ko nang magsend iyon. Akala ko'y wala na akong load dahil matagal akong nakipag-text sa mga kaibigan ko kagabi. Siguradong busy na ang dalawang 'yon ngayon. Malamang nasa school sila. Malungkot akong napangiti. Kung hindi dahil sa lalaking iyon, tahimik sana akong namumuhay sa isla kasama ang Lola ko. Nag-aaral din sana ako ngayon. May magagawa pa ba ako upang ibalik ang nakaraan? Kasi sa totoo lang, marami akong gustong baguhin.


From: Zach


I'm in a meeting now. Masaya ako at nagustuhan mo diyan. Marami pa akong alam na magagandang lugar. Gusto mo bang mag-dinner tayo mamaya? I'll pick you up.


Kumunot ang noo ko ang mabilis na nagtipa ng reply.


To: Zach


Huwag na, Zach. Nakakahiya. Nasa meeting ka pala! Pwede bang pahiramin mo nalang ako ng libro?

Unwanted Waves (ECS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon