Kabanata 35

204 4 0
                                    

Kabanata 35

Vague

"You will not heal by going back to the person who ruined you...."

Huminga ako ng malalim at pinag-krus ang mga braso ko. Humilig ako sa swilver chair na narito sa opisina ko mansion at binalingan si Zach na naka-busangot ang mukha. Alam ko na kaagad ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang iyon at naiintindihan ko naman siya pero... bawal ba? Hindi na ba pwedeng bumalik ako sa taong sumira sa akin?

"Nag-breakfast ka na ba, Zach? Ang aga-aga, naka-simangot ka riyan. Wala ka bang gagawin at ang aga mo yatang napadpad rito?" nag-taas ako ng kilay.

Inirapan niya ako at pinagpalit ang binti niyang nakade-kwatro. Kapag narito siya sa Esta Caliete, madalas siyang tumambay rito at kung minsan dito niya pa ginagawa ang ilang trabaho niya gamit ang laptop niya. Dito rin siya minsan natutulog at walang problema iyon sa akin. Marami namang guess room dito sa mansion kaya ayos lang na narito siya. Pati si Klaudia ay gano'n rin noong hindi pa siya ikinakasal. Mag-iisang linggo ko na palang hindi nakakausap si Klaudia at Caspian. Kamusta na kaya ang love birds na 'yon?

"Don't change the subject, Fleur. Sinabi sa akin ng mga katulong mo rito na hinatid ka ng ungas na 'yon. Tss, gaano ka kapal kaya ang mukha niya at nakaya niyang bumalik pa rito?" nag-igting ang panga ni Zach.

Napadako ang tingin ko sa kaniyang damit. Nakasuot siya ng printed short sleeve shirt, khaki short at sneakers. May nakasabit pang shades sa kaniyang damit.

"I didn't agree with what he wanted, Zach. Bakit ba inis na inis ka diyan? Tsaka bakit ganiyan ang damit mo? Wala ka ba talagang trabaho? Dito ka lang?" nginuso ko ang kaniyang damit.

He raised a brow and push up his brown wavy hair. "Who wouldn't be annoyed if the person who hurt you before was around you? Mabuti naman at hindi ka pumayag sa gusto niyang mangyari. He shouldn't get what he wants so easily. Sa tingin mo nagsasabi siya ng totoo?"

I stared at his shades as they shone because of the sunlight coming from the window in front of him. Hindi ko alam kung talagang nag-sasabi ng totoo si Enzo pero bahala na. Okay na kami pero hindi na ako babalik sa kaniya. Napag-isip-isip ko kagabi na tama lang na nag-usap kami. Gumaan ang pakiramdam ko ngunit masasabi kong narito pa rin 'yung takot. I don't know what Enzo really wants to happen but I will not let him hurt me again because of him. The suffering I suffered before was enough.

"I don't know, Zach...." umiling ako.

"He wants you back, right? Do you like that? Will you accept him again, Fleur? Why do you just look for someone else and forget that asshole?" matabang na sabi ni Zach. Nakita ko ang pamomroblema sa kaniyang mukha. Kahit hindi ko sinabi ang napag-usapan namin ni Enzo sa kaniya, nakaka-manghang may ideya siya.

Umiling ako at inabot ang kape na nasa gilid ko. "Hindi, Zach. Ayoko na. Gusto ko lang na maging okay kami. Magiging malaya na ako sa nakaraan kapag nagka-ayos kami ni Enzo."

Marami pa kaming napag-usapan ni Zach at inaya ko na rin siyang dito kumain sa mansion ko ngunit biglang tumunog ang kaniyang cellphone at mukhang urgent iyon kaya kaagad siyang umalis. Napailing pa ako nang paalalahanan niya ako huwag magpapaloko kay Enzo bago siya tuluyang umalis. Dahil abala ako sa pagtatrabaho sa office ko'y nagpa-hatid na lamang ako ng lunch sa loob. I'm reviewing the final design that was sent to me just this morning. Even though there is only 3D in front of me, I'm amazed at the construction. Paano pa kung nakatayo na ito mismo sa harapan ko? Surely, my hotel will be able to handle two thousand vacationist or more. Biglang may nag-video call sa akin sa facetime kaya natigil ako sa pagre-review.

Unwanted Waves (ECS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon