Kabanata 13

144 9 0
                                    

Kabanata 13

Care

Hindi ko lubos maisip kung paano ko pa pipigilan ang nararamdaman kong pagkagusto kay Eli. Sa nagdaang panahon, parang mas lalo kaming napapalapit sa isa't-isa. Noong una palang naman ay mabait na siya, pero may kakaiba sa mga ikinikilos niya ngayon.

Noong umuwi ako kagabi, hindi ako sigurado kung talagang nag-aalala siya sa akin o iniisip lang niyang may utang na loob siya sa akin kaya niya ako pinag-sisilbihan. Pagkapasok ko pa lamang ay sinalubong niya na ako at kinuha ang bag ko.

"Hi, how's your day?" he asked.

Natulala ako at hindi kaagad nakasagot. Napatingin ako sa buhok niya at napansing mamasa-masa pa iyon. Mukhang kakaligo niya lang. Pasimple ko siyang inamoy ngunit tumigil din nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa. Nag-init ang pisngi ko at agad na nag-iwas ng tingin. Nakakahiya!

"Uh, a-ayos lang. Si Lola?"

"Nasa kusina na. Kakatapos ko lang magluto ng dinner. Are you hungry?" inayos niya ang magulang buhok bago tinitigan ng seryoso ang mukha ko.

Napalunok tuloy ako at napaatras ng kaunti dahil klase ng titig niyang iyon. "B-bakit?"

"You look.. tired, Era." he let out a heavy sigh. Nagulang ako ng i-angat niya ang kamay niya at haplusin ang buhok ko. "Sorry for being a burden..."

I was stunned. Hindi ko siya magawang tingnan sa mga mata kaya napukol ang atensiyon ko sa labi niya. Napasinghap ako nang dilaan niya iyon!

Naligo muna ako bago pumanhik sa kusina. Mabilisang ligo lang dahil inaantay na nila ako para kumain. Sinabi ko naman na ayos lang kahit mauna nasila ngunit ayaw naman nila. Ipinatong ko ang suklay sa ibabaw ng drawer at lumabas na ng kwarto ko. Nakasuot lamang ako ng puting cotton short at orange na t-shirt. Syempre naglagay ako ng liptint kahit kaunti lang. Simula nang dumating rito si Eli ay palagi na akong nako-consious sa itsura ko. Nakaliptint at pulbo pa ako kahit nasa bahay lang, Ugh!

Paglabas ko, binati kaagad ako ni Lola at mahigpit na niyakap. Nang magsimula ang trabaho ko sa hotel ay hindi na kami masyadong nakakapag-bonding nitong si Lola. Ang lahat ng orask ko ay napupunta sa pagtatrabaho. 'Di bale na, pag-sweldo ko nama'y hindi na ako mahihirapan. Marami akong gustong bilhin para sa bahay.

Napabuntong hininga na lamang ako bago tumayo at lumabas ng simbahan. Linggo ngayon at kakatapos lamang ng misa. Nagpaalam ako sa ka-close kong madre doon at lumabas na. Kahit na pagod ako ng ilang araw at nanakit ang likuran ko sa bigat ng trabaho sa Hotel ay pinilit ko pa rin gumising ng maaga ngayon para makapag-simba. Hindi si Lola sumama sa akin dahil nakapagsimba na siya kahapon kasama pa raw si Eli.

~*~

My white dress and straw hat were gently blown by the fresh breeze when I came out. From where I stood the plaza and the children playing there were clearly visible. Sa 'di kalayuan, naroon ang tiangge at ang kalsadang daanan kung saan maraming trycicle ang nakaparada.

Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa ATM machine para makapag-widraw ng kaunting pera. Limang daan lang ang kinuha ko dahil siguradong pagagalitan ako ni Lola kapag nalaman niyang ginagalaw ko ang perang inipon namin para sa akin sa bangko. Hindi naman ganoon kalaki ang laman ngunit magagamit na rin kung sakaling sa Maynila ako mag-aaral.

"Gagalawin mo lamang ang perang iyon kapag wala na ako, Era. O kaya naman kapag kailangan sa pag-aaral. Alam mo naman, gusto kong sa Maynila ka makapagtapos kahit na ayaw mo..."

Unwanted Waves (ECS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon