Kabanata 39
Family
"What did you see in me, Enzo? 'Di ba... Sabi mo sa 'kin noon, palagi kang bumabalik dito noon para lang makita ako? Bakit? Bakit ako?" hindi ko maiwasang hindi itanong 'yan kay Enzo habang lulan kami ng yatch na pagmamay-ari niya.
Wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin pero may tiwala naman ako sa kaniya. Nakahawak ako sa railings ng yatch sa may upper deck kaharap ang karagatang tinatahak ng sinasakyan namin habang siya naman ay nakayakap sa akin mula sa likuran. Nililipad ang kulay puting bestidang suot ko pati na rin ang buhok naming dalawa. Maganda ang sikat ng araw at hindi iyon masakit sa balat.
Naramdaman ko ang paghawi ng kaniyang kamay sa buhok ko upang ilagay iyon isang balikat ko. Dinampian niya ng maliliit na halik ang aking leeg at para akong kinikiliti ng pakiramdam na dulot no'n.
"Kailangan ba may dahilan pa? Wala. Basta gusto kita." His voice sent shivers down my spine.
Nanindig ang mga balahibo ko. A sweet smile flashed on my lips as I faced him. I touched his jaw with both my hands. Tumingkayad ako upang dampian ng mabilis na halik ang kaniyang labi.
"Talaga? E, saan na tayo ngayon kung gano'n? I'm not prepared. I'm just wearing my old dress. Kung alam ko lang na hindi mo ako pauuwiin sa mansion ko, e 'di sana nagdala na ako ng extra'ng damit."
Tumawa siya at isingat ang ilang hibla ng buhok sa aking tainga. "Sa tindi ng galit mo sa akin noong una, malabong pumayag kang matulog sa i-isang bubong kasama ako. Kung hindi pa umulan..." ngumisi siya.
Hinampas ko ang kaniyang dibdib at tumawa na rin. Muli kong hinarap ang karagatan at niyakap rin ang mga braso niyang nakayakap sa akin.
"Si papa... I did not tell him everything that happened to me in Está Caliente. Kapag sinabi ko sa kaniya ang status nating dalawa... he will definitely be surprised." umismid ako at inisip ang mukha ni papa. Nai-imagine ko ang mukha niyang gulat na gulat. "Ang alam niya ayaw ko sa 'yo."
"Hindi mo sinabi sa kaniya na matagal na tayong magkilala?"
Umiling ako. "Kung sinabi ko, baka hunting-in ka no'n. You might not be so close to me now if I told him. You should be thankful."
"Kaya naman pala..." natatawang niyang sinabi.
Kumunot ang noo ko at hinarap ko siya. "What's funny?"
"Nothing. Don't worry about your father. Ako ang bahalang magsabi sa kaniya."
"You sure?"
"Yup." tumango siya. "We haven't eaten lunch yet. What do you want to eat?"
"Kung ano'ng mayroon dito sa yatch mo, iyon na lang."
Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. "Kumpleto ang stocks dito sa yatch ko. I bought some clothes for you. If you want to swim in the sea, you can. I also bought you bikinis."
Nanlaki ang mga mata ko. "Huh? Paano? A-Alam mo ang size ko?" Napatingin ako sa dibdib ko at ibinalik din ng tingin sa kaniya na may naglalarong ngisi na ngayon sa labi.
He nodded. "Of course. You must have forgotten that I saw everything--"
Agad kong tinakpan ang kaniyang bibig nang maaninag ko ang isang tauhan na narito sa yatch. Pinanlakihan ko ng mga mata si Enzo bago binitiwan ang bibig niya. Yes, we're adults. Pero hindi pa rin magandang maging bulgar lalo na kung may ibang taong nakaririnig sa amin.
BINABASA MO ANG
Unwanted Waves (ECS#1)
General FictionEstá Caliente Series #1: Fleurencia Therese Lazigosia Era is a simple woman living in Está Caliente with her grandmother. She did not know if her parents were still alive and who they were. Hindi niya na iyon masyadong iniisip dahil para sa kaniya...