Kabanata 40

164 2 0
                                    

Kabanata 40

Together

"Ano?! Hoy, tangina, Fleurencia--"

Agad kong sinaway ang bulgar na pagmumura ni Klaudia matapos kong ibalita sa kaniya na balak na naming pagkasal ni Enzo. Nasa may balcony ako ng guest room na ipinagamit sa akin ng pamilya niya at naisipan kong tawagan nga si Klaudia upang ibalita sa kaniya ang mga ganap sa buhay ko. Siya pa lang ang nakakaalam. Si Zach ang una kong tinawagan dahil alam kong busy si Klaudia ngunit busy ang line ni Zach kaya si Klaudia na lang muna. Sa tingin ko'y masyadong abala si Zach sa kung tina-trabaho niya kaya hindi pa siya nakakabalik sa Fuerza Valiente simula noong may tumawag sa kaniya.

Napa-irap ako. Ang sabi niya'y magtatagal siya sa hotel ko pero hindi naman pala. Nasaan na kaya ang lalaking iyon?

I leaned against the balcony railings and sighed. As I stood, I could see the peaceful and quiet land planted with pineapples. Honestly I was very tired from the intergation that Enzo's family did to me but I haven't been able to lie down in bed and sleep soundly. Sobrang dami ng nangyari at napakabilis din ng lahat ng iyon. Masaya ako na kinakabahan. Siguro dahil sa katotohanang may isang bagay pa ang hindi ko nasusulusyonan. May isang bagay pa ang hindi ko alam kung paano matatapos.

"Ano ka ba naman! Ang ganda ng surpresa mo sa akin, ha! Sakto at uuwi na kami bukas pero kailan ba iyan, Fleur? Gago, nakakabigla naman kayong dalawa. Parang noong isang araw, broken ka pa, ah."

Napangiti ako habang nakatingin sa singsing na nasa daliri ko. "Sabi mo dito ako sasaya, 'di ba? You're not mistaken in that matter. I'm so happy right now, Klaud, honestly."

Napabuntong hininga si Klaudia. Mabigat ang kaniyang bawat paghinga. "Oo naman. Pero, Fleur, nasabi mo na ba iyan kay Zach?"

"Hmm, ikaw ang una kong pinagsabihan."

She sighed again. Kumunot naman ang noo ko. "Siguradong masasaktan 'yon. 'Di bale, ang importante masaya ka. Masaya ako para sa 'yo, Fleur. Ako ang bride's maid, ha? Sapok ka sa akin kapag hindi."

Natawa ako at napatango. "Of course. At ano'ng sinasabi mo tungkol kay Zach? Hindi siya masasaktan, Klaud. Magagalit siya. That guy will definitely scold me. He always told me never to go back to Enzo." umirap ako at medyo natawa.

"Hindi mo kasi alam, Fleur. Zach cares for you a lot. Noong mga panahong palagi kang umiiyak, siya 'yung palaging nandiyan sa tabi mo. Kahit noong hindi pa tayo magkakilala. Sa aming dalawa, siya 'yung nakakakita kung paano ka sobrang nasaktan noon."

I pursed my lips. "Of course, we're friends."

"Tss... napaka-manhid." she muttured a curse. "Ah, basta! Sabihin mo kaagad sa kaniya! Hindi na ba sila nagkabalikan ni Keyze?"

"Hindi na yata? I don't know. Wala siyang binabanggit. At syempre naman, sasabihin ko ito sa kaniya. Tsaka kay papa rin. Uuwi ako sa mansion namin sa Maynila upang personal na ipaalam sa kaniya ang tungkol sa aming dalawa ni Enzo. Sa ngayon, dito muna ako sa lupain ng pamilya niya."

"Okay. Ano nga ulit pangalan ng lupaing 'yan?"

"Which one? The name of their haciendas and ranch or--"

"Wow, yaman! Parehas na na lang para alam kung nasaan ka,"

Tumango ako. "Whispering Pines, Tierra de Prado. Malapit lang din ito sa Esta Caliente. Parte ng Surigao del Norte."

Humaba ang usapan namin ni Klaudia dahil naintriga siya sa yaman ng mga kapamilya ni Enzo. Tinanong niya sa akin kung sinu-sino sila at kung ano ang mga pag-uugali. Sinagot ko siya at wala akong hindi sinabi sa kaniya na nangyari sa akin dito. Natuwa siya nang malamang mabait naman ang lahat sa akin dito.

Unwanted Waves (ECS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon