Issue
Sabado, isa sa mga araw na pinaka gusto ng mga tao, lalong lalo na ng mga estudyanteng kagaya ko. Dahil walang pasok at pwedeng gumising ng tanghali. Ngunit imbes na magrelax at gawin ang hilig ko sa araw na ito, ay hindi ako pinayagan ng mga gawain ko sa eskwela. Sabado, pero maaga akong ginising ng ingay na nanggagaling sa alarm clock ko. Kinailangan kong gumising ng maaga dahil may usapan kami ng mga kagrupo ko na magkikita ng maaga sa mall, para bumili ng materyales na gagamitin sa proyektong gagawin. Pagkatapos patayin ang alarm ay tumunganga pa ko ng ilang minuto bago nagpasyang bumangon at maligo. Pagkatapos maligo at maghanda para sa pag alis ay bumaba na ko para kumain man lang.
Pagkababa ko, katahimikan ang bumungad sa akin. Kagaya ng nakagawian, dumiretso na ko sa harap ng ref namin dahil alam kong nandun ang sagot sa katanungang namuo sa isip ko.
Doon, nakapaskil ang bilin ng nanay ko sa akin. Maaga raw siya umalis dahil may lakad sila ng mga amiga niya, magluto o mag order na lang daw ako ng pagkain para sa sarili ko. I just sigh and ignore the piece of paper but took the money attached with it. I open the ref and get the milk for my cereals and started eating alone at our dining.
I'm actually used to this kind of set up. Ever since my dad and mom separated, I'm always left alone. Not like young people at my age, who's always excited when the weekend comes, because they will able to bond with their parents after a week of studying and working. Me, I'm used to waking up alone, not seeing my mom preparing breakfast for me and my dad, who'd asks me where or what I want to do for the day. Ever since that day, I often prefer to be in school more than in our house where all I can hear is silence.
At dahil ready na rin naman ako at wala nang ibang gagawin pa sa bahay, maaga akong umalis sa isiping matatraffic din naman, kaya kahit maaga ay makakarating pa rin ako ng sakto sa oras na napag usapan. Ngunit nagkamali ako, talaga nga atang ayaw makisama sa akin ng trapiko, dahil kung kailan ayos lang sa akin na mababad sa traffic ay tsaka naman malinis ang kalsada at walang kabakas bakas ng traffic. Kaya naman ang inaasahan kong 30mins to 1 hour na byahe at sa bilis pa magpatakbo ng driver ng sinasakyan kong jeep ay naging 20 mins lang.
Pagdating ko sarado pa ang mall buti na lang bukas na ang coffee shop sa labas nito, kaya naman dumiretso na lang ako doon para hintayin ang mga kasamahan ko.Habang nag hihintay, umorder na rin ako ng kape at nag send ng message sa mama ko, just to inform her that I've left home. Pagtapos ay sunod na ininform ang mga kagrupo ko na nandito na ako at nag aantay.
Mish:
"ang aga mo naman"
Ako:
"akala ko kasi matatraffic ako, kaya maaga ako umalis haha"
Lovely:
"sige, aalis na rin ako para may kasama ka naman dyan"
Ako:
"wag ako lovelita! Ikaw? paalis na? baka nga hindi ka pa naliligo"
Lovely:
"ayaw mo? sasamahan ka na nga"
Ako:
"maligo ka na, wag ka nang magsinungaling dyan"
Our group chat was filled with laughter because of me and lovely's early banter. I just chuckle when i saw some of our groupmates replies but completely ignore it, and close our group chat to visit my other social media accounts. Nang mainip, ay naghanap na lang ako ng mga videos na pwedeng panuorin just to kill some time, because I know for a fact na hindi rin naman sila darating ng eksakto sa oras na pinag usapan.

BINABASA MO ANG
Denial
SaggisticaJhamila is a hopeless romantic person, she truly believes in love and a fan of happily ever after. Kaya naman kung tatanungin siya tungkol sa kaniyang ideal man, isa siya sa may mahabang listahan nito. Pero kung may isang ugali na kinaayawan si Jham...