Agad na nanlaki ang mata ni lean at naalarma ang mga kasama namin sa table dahil sa sigaw ni Eugene. Samantalang ako parang naestatwa dahil sa kagagahan.
Nang matauhan ay agad akong humingi ng paumanhin.
"Hala, I'm sorry. Akala ko kasi paa ni Jeff." Saad ko.
"At bakit naman kasi kayo nagsisipaan sa ilalim ng table?" mapang asar na tanong ni mark, kaya sinamaan ko agad siya ng tingin. Mali pa ata ako ng nasabi.
"Okay ka lang ba?" marahang tanong ni lean. Kaya napatingin ako sa kanya at nakitang diretso ang tingin niya kay Eugene.
"Yup." Nakangiting sagot naman ni Eugene sa kanya.
Ngumiti na lang din siya kay Eugene.
"hala! Naku! Lagyan natin yan ng yelo." Sabat ko sa kanilang dalawa.
"Ang OA mo naman." Simpleng sagot ni Jeff sa akin.
Tiningnan ko siya ng masama.
"Hindi OA yun, para sayo yung sipang yun kaya sinigurado kong mapipilay ka sana. Malay ko bang si Eugene yung masisipa ko." halos ibulong ko na yung mga huling sinabi ko.
"eh bakit mo naman kasi sisipain si Jeff? Jham?" nagtatakang tanong ni Eli.
Jeff smirked at me. He really knows that I'm on the spot here. Hindi ko pwedeng sabihin na dahil sa text niya, lalong sisiklab ang asaran kapag nalaman nilang magkatext kami kanina.
Tiningnan ko sila isa isa na mataman nang nakatingin sa akin, maging si Eugene na parang nag aantay ng sagot ko.
Bahala na nga! I swallowed the lump in my throat before I answered.
"Wala lang, trip ko lang. Nang gigigil kasi ako sa mukha, nakakaasar eh." I answered. I heard them laugh at me while Jeff snorted.
"Jham, iba na talaga yan. Naku baka mamaya....
I immediately get the bun on Eveth's plate and put it on her mouth just to cut her off.
"huwag ka na magsalita veth. Ikain mo na lang yan." Saad ko.Tiningnan nya lang ako ng masama.
"Alam nyo wag nyo na lang gawing big deal yun okay? Lokohang mag partner lang yun. Iba nga lang natamaan." Sagot ko sa kanila.
"I'm sorry ulit." I said sincerely. "I'll just make it up to you. Libre na lang kitang snacks mamaya." Dagdag ko pa.
"damay mo ko." sabat naman ng hambog,
"Bakit? Hindi ka naman tinamaan ah." Inis na sagot ko naman sa kanya.
"Oo nga naman jeff, tinamaan ka na ba? este ka ba?" saad naman ni Jhon. Tiningnan lang siya ng masama ni Jeff.
"Hindi na, okay lang naman ako." Sagot naman ni Eugene."You sure?" tanong ko pa ulit.
"Gusto mo pa guidance natin yan pre? Bayolente masyado." Sabat naman ni Jeff.
Sa susunod talaga sisiguraduhin kung ikaw na ang tataaman ko.
"Sige, okay lang sa guidance tayo pero pasapak ako isa para naman worth it yung pag punta natin doon." Sagot ko sa kanya.
"Oh! Tama na yan! Baka mamaya nyan eh kung san nanaman kayo umabot. Ang mabuti pa bumalik na tayo sa classroom. Malapit na matapos lunch break."
Agad namang sumang ayon ang lahat sa sinabi ni lean at nagkanya kanya ng linis ng kanilang mga kinainan. Masama pa rin ang tingin ko kay Jeff pero agad na kong inilayo ni Lean sa kanya. Sa sobrang ingat niya ngang magpang abot kami ni Jeff ay nahuli na kaming dalawa sa paglalakad pabalik sa classroom.

BINABASA MO ANG
Denial
Non-FictionJhamila is a hopeless romantic person, she truly believes in love and a fan of happily ever after. Kaya naman kung tatanungin siya tungkol sa kaniyang ideal man, isa siya sa may mahabang listahan nito. Pero kung may isang ugali na kinaayawan si Jham...