Chapter 13

3 0 0
                                    


"Huy! Sige na kasi." Mahinang bulong ko kay jeff, dahil nasa library kami. Hindi na kasi muna nag lecture ang teacher namin sa Research at pinapunta na lamang kami sa library para ipagpatuloy ang pag iisip ng topic. At dahil kami ngang dalawa ni Jeff ang magkapartner, malamang kami ang "sanggang dikit" ngayon.

"Huy!" mahinang tawag ko ulit. Pasimple pa kong tumingin sa iba pa naming kaklase na kasama lang namin sa table. Gladly, they are all busy brainstorming.

Nang makitang halos lahat walang pakialam sa paligid nila, binalik ko na ang atensyon ko kay Jeff, na sobrang abala sa cocompose ng title ng mga napag usapan naming topic kanina.

"Huy!" tawag ko sa kanya na sinamahan ko pa ng pagkulbit sa balikat niya, kaya naman ganun na lang kasama ang tinging ibinaling niya sa akin. Nginitian ko lang siya. Umiling lang siya pagkatapos ay bumalik na sa ginagawa niya.

"Alam mo, ang damot mo. Para yun lang." inis na saad ko sa kanya at mahinang hinampas ang braso niya.

Yes! I'm still not done convincing him about my agenda to Eugene. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at siya ang hinihingan ko ng tulong pero, tinamaan ata talaga ako kay Eugene; kaya ganito na lang ako ka determinadong mapalapit sa kanya. At wala namang ibang makakatulong sa akin, kundi ang hambog na to. Stuck na rin naman ako sa kanya the whole year why not use this as an advantage di ba? Ang galing ko talaga.

Kaso ang hambog na to, ang hirap pakiusapan.

"Alam mo ang ingay mo. Kung tinutulungan mo na lang akong mag isip dito. Isang linggo nang nagpapanting ang tenga ko sayo ah." Inis na bulong niya sa akin.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"Hoy! Ang kapal mo naman, halos lahat naman ng topic ako nag isip ah!" medyo napalakas na saad ko kaya naman napatingin sa akin ang mga kaklase naming kasama namin sa mesa.

"Library di ba?" pang aasar ni Jeff.

I just make face at padabog na kinuha ang papel at ballpen sa harap ko para tulungan siya, na sobrang seryoso. Mamaya ka sa akin hambog ka.

Lunch Time! Habang walang humpay na nag aasaran sila lean, ako naman ay tahimik lang na naglalakad. Siguro kung wala akong iniisip, nanguna pa ako sa kalokohan nila, pero masyadong okupado ang isipan ko kung paano ako mapapalapit kay Eugene kaya hinayaan ko lang sila, lalo na ngayon na mukhang wala talagang balak tumulong ang hambog na yun sa akin.

Akala naman niya hindi ko kaya mag isa, huh!Akala niya lang yun. Ayaw niya akong tulungan ah, pwes, ipapakita sayo ang galing ng isang Jhamila.

Pero Paano ko gagawin yun? Wala namang ibang mas malapit kay Eugene kung hindi yung Hambog na yun. Sila Jhon for sure, pagtatawanan lang ako nun. Baka nga ibuko pa ako agad. Gosh! Lalo naman yung mga bruha kong kaibigan, mga walang kasuposuporta sa akin yun. Baka imbes na mapalapit ako lalong lumayo loob ni Eugene kapag sila ang tumulong sa akin.

"Jham"

Masyadong mailap si Eugene. Hindi nakikipag usap kapag hindi niya kaibigan or di niya kaclose o di kaya'y hindi academic related ang topic.

"Jham"

Hindi naman pwedeng lagi akong magtatanong tungkol sa academics for sure maiinis yun sa akin, lalong lalayo ang loob nun sa akin.

"Hoy!" natigil ang pag iisip ko nang biglang umalog ang ulo ko sanhi ng kung sino mang bruha ang bumatok sa akin.

"Aray ko naman! Ano ba?!" Singhal ko sa kanila. Nagtawanan naman ang mga bruha.

"Eh kanina ka pa kasi tinatawag hindi ka sumasagot. Ang lalim ng iniisip mo ah! Baka malunod ka nyan." Natatawang saad ni eli.

Inirapan ko na lang sila.

DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon