"Okay! Ayusin nyo na lahat ng mga dapat nyong ayusin sa paper, nacheck ko na to, may mga comments na dyan. Yung mga dapat nyong baguhin, baguhin nyo na at ifinalize ang dapat ifinalize, gawa na rin kayo ng power point for the presentation. I'll send the format later. Okay?" tanong ng research teacher namin. Sumagot naman kaming lahat.
"Kunin nyo na yung mga papel nyo dito then you may take your break. If you guys have some questions pwede nyo akong puntahan sa faculty or just message me." Pahabol ni ma'am, sumagot naman yung mga kaklase ko. Tumango lang si Ma'am at naglakad na palabas ng room namin.
Nag aayos pa ako ng gamit ko nang biglang may bumagsak na folder sa table ko. Alam ko na kung sino ang gumawa nun kaya kunot noo ko siyang tiningala. Agad na sumalubong sa akin ang mayabang na pagmumukha ng kapartner ko.
"Pupurihin na sana kita dahil nagkaroon ka ng initiative na kunin yung paper natin pero ang panget ng pagkakabigay mo sa akin, kaya wag na lang." saad ko sa kanya. He just scoffed.
"So anong gagawin ko dyan?" tanong ko.
"try mong nguyain" sagot naman niya. Tinignan ko lang siya ng masama.
"bakit hindi ikaw gumawa? Ikaw naman nakaisip." Masungit na balik ko sa kanya. Tumawa naman siya.
"Ikaw na lang muna magtago, mamaya natin pag usapan san natin ieedit yan bukas." Seryosong sabi niya.
Kaya naman pala mag seryoso ng lokong to ang dami pang pakana.
Agad ko namang itinago yung paper namin at supladang nilampasan siya para mag break.
Bago pa ko makapasok sa canteen nasalubong ko si Eugene at Lean habang nagtatawanan.
"Ang saya nyo ah!" puna ko sa kanila ng makalapit ako.
"Oy mars!" bati sa akin ni lean.
"san punta nyo?" tanong ko.
"babalik na sa classroom." Sagot naman ni Eugene
"ikaw?bibili pa lang?"tanong ni lean
"obviously," masungit na sagot ko. Hindi ko alam anong nangyari sa akin, bigla akong nainis nung nakita ko silang dalawa na magkasama.
Bigla namang nawala ang ngiti ni lean at tsaka tiningnan si Eugene.
"uhm, actually may nakalimutan akong bilhin pa." biglang sabi ni lean kaya napatingin sa kanya si Eugene.
"ano yun?" tanong niya kay lean.
"uhm, medyo nagmamatakaw kasi ako ngayon alam mo na, hehe time of the month kaso inaantay na ako ni Mark pag uusapan kasi namin yung paper. Baka magwala na yun. Okay lang ba, sayo ko na lang ipabili? Kay jham sana kaso baka hindi niya kayanin, sama ka na lang sa kanya?" lean smilingly said to Eugene.
Agad namang tumango si Eugene at tinanong ano pa yung mga ipapabili ni lean. Sinabi naman niya agad pagkatapos ay nagmamadaling naglakad palayo sa amin.
"tara na?" tanong ni Eugene.
"ah? Oo sige" sagot ko naman at sinabayan na siyang maglakad. Lihim akong napangiti ng marealize kong ano ang ginawa ni lean.
"bakit late ka na lumabas?" biglang tanong niya habang naglalakad kami.
"ah, inayos ko pa kasi yung gamit ko medyo nakakalat sa arm rest ko tapos yung nag usap pa kami nung kulot mong friend." I answer him then he chuckled.
Agad kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang dumungaw ang kaniyang mga dimples dahil sa bahagya niyang pagtawa. Ang cute talaga ng taong to.
"Ah, ako na!" nakangiting sabi niya sa akin ng akma kong bubuksan ang pintuan sa canteen. Nginitian ko lang din siya at naunang pumasok.
"ah, bibilhin ko lang yung pinapapabili ni Lean tapos puntahan na lang kita kung nasan ka." Saad niya.
BINABASA MO ANG
Denial
Non-ficțiuneJhamila is a hopeless romantic person, she truly believes in love and a fan of happily ever after. Kaya naman kung tatanungin siya tungkol sa kaniyang ideal man, isa siya sa may mahabang listahan nito. Pero kung may isang ugali na kinaayawan si Jham...
