Habang nag wawarm up kami hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa pwesto nila lean. Ang saya saya nilang tingnan. Parang bagay na bagay sila. Pero hindi sabi ni lean hindi na niya gusto si Eugene. Sabi niya magkaibigan lang silang kagaya naming lahat. Pero bakit ganito yung nararamdaman ko?
"Jham!!" sigaw ng mga kateammate ko. Sa bilis ng pangyayari ay nakita ko na lang yung bola na papalapit sa akin kaya bago pa tumama ang bola sa akin ay tumalikod na ako para sa likod ko ito tumama.
"aray!"
"jham are you okay?" tanong sakin ng mga kateammate ko nang makalapit sila sa akin.
napatingin ako sa side ng mga kaibigan ko at nakita kong nakatayo na sila.
"jham, are you okay?" tanong ni coach sa akin at tsaka ako inalalayan pabalik sa bench namin.
"Okay lang po, coach," sagot ko naman
"anong nangyari sayo? you were zoning out. Masama ba pakiramdam mo? kaya mo ba maglaro?" sunod sunod na tanong nya sa akin habang inaabutan naman ako ng mga teammate ko ng tubig.
"okay lang ako coach kaya ko po maglaro promise" sagot ko sa kanya. Tinanong niya pa ako ulit kaya pinakita ko sa kanya na okay ako. Tumango lang siya at pinaupo muna ako saglit sa bench habang yung iba ay pinabalik na niya sa pag wawarm up.
Habang nakaupo ako tinitingnan ko lang yung mga teammates ko na nagwawarm up at hindi ko gusto yung feeling na nakaupo lang ako dahil alam kong okay naman ako. Nadistract lang talaga ako kanina. Kaya naman tumayo na ako, akmang maglalakad na ako palapit sa mga teammates ko ng biglang may kumalabit sa likod ko.
Paglingon ko tumambad agad sa akin ang mukha na kung pwede lang hindi ko na makita pa.
"ano nanaman? aasarin mo nanaman ako? oo na!! lumayas ka na sa harapan ko. Hindi ka nakakatulong. dun ka na at baka lahat ng bolang makita ko mamaya puro mukha mo andun, mata----" dire diretsong sabi ko sa kanya.
"oh!" putol niya sinasabi ko. He extended his arms na para bang may inaabot siya sa akin. kaya naman binaba ko ang tingin ko sa para makita kong ano iyon.
Ice pack.
"ano yan?" tanong ko.
"Ice candy!" sarkastikong sagot niya.
Nang makita niyang nakatitig pa rin ako sa kanya ay umiling na lang siya at kinuha yung kamay ko para ilagay ang ice pack doon.
"lagay mo sa natamaan ng bola. Ang pangit mo na nga, mas papangit ka pa lalo kapag bumokol yan" saad niya. Hindi na niya ako hinayaan pang makasagot. Tinalikuran niya na ako at naglakad papunta sa upuan niya.
Bwiset!Nang aasar pa. I scoffed at him at tsaka umupo ulit para gamitin yung binigay ng hambog. Sayang naman effort niya.
Pagkatapos kong gamitin ang binigay ng hambog na yun ay lumapit na ako ulit sa mga teammates ko at nagsimula na ulit mag warm up. Ilang minuto lang din ay nag simula na ang game.
Nakuha namin ang panalo sa first and second set pero nung pangatlong set, parang hindi mas namotivate ang kalaban namin at hindi kami hinayaang makuha ang panalo at maka abante agad sa Semi-finals. Sa fourth set mas naging gigil ako sa bawat spike ko pero tinatapatan iyon ng kalaban naming team. Both teama are eager to get to the semi finals kaya nahirapan kami at umabot pa ang game sa fifth set.
Bago magsimula ang fifth set binigyan kami ng ilang minuto para makapag pahinga at makapag strategize para sa final round. Ramdam ko na yung pagod ng mga teammates ko.
"lakas ng 2nd year ha!" saad ng isa sa mga teammates ko
"pero kaya natin yan! we just need 15 points for this round, and as long as nasa court si jham mahihirapan talaga sila" sagot naman ng isa pa na ikatango naman ng iba pa naming kasamahan.
BINABASA MO ANG
Denial
No FicciónJhamila is a hopeless romantic person, she truly believes in love and a fan of happily ever after. Kaya naman kung tatanungin siya tungkol sa kaniyang ideal man, isa siya sa may mahabang listahan nito. Pero kung may isang ugali na kinaayawan si Jham...
