Chapter 7

3 1 0
                                    


Supermarket

"Okay!" bahagya akong napabalikwas sa kinauupuan ko nang biglang malakas na sinara ni elli ang librong kanina pa niya binabasa. 

Kasalukuyan kaming nandito sa Library dahil naghanap kami ng mga putahe na pwedeng lutuin para sa TLE class namin.  

"May nahanap ka na?" tanong ko kay elli, habang nagbubuklat pa rin ng libro. 

"Tsk, wala pa nga, yung mga nakikita ko parang ang hihirap naman ng ingredients, hindi pa ko sure kung nandito ba yan sa Pilipinas."  reklamo niya. 

"kung maka okay ka dyan, akala ko naman may nahanap ka na." sagot ko sakanya. 

Bahagya naman siyang natawa at binalik ang tingin sa libro, binuksan ulit ito at nagpatuloy sa paghahanap.  

"may nahanap na kaya sila?" tanong ko ulit kay elli. Sasagot na sana siya nang biglang may nagbagsak ng mga libro pa sa table namin. Sabay naman kaming napa angat ng tingin ni elli at nakita ang nakabusangot na mukha ni mark, sa likod niya naman ay si jhon. 

"Napaka hirap maghanap ng libro na may mga recipe ha!O ayan! yan na yung kinaya ng powers ko, siguro naman may makukuha na tayong mga recipe for french dish." dire diretsong sabi ni mark at tsaka pabagsak na umupo sa tabi ko. Ganun din naman ang ginawa ni jhon sa tabi ni elli. Nilapag niya na rin yung iba pa niyang hawak na libro. 

"bakit ba naman kasi kailangan meron sa book? madali na yan sa internet, isang click lang."  medyo iritadong sabi din ni elli. 

Nahati hati ang klase namin sa walong grupo para sa TLE Class namin. Each group consists of 8 equal members. Meaning, kung apat yung babae dapat apat din yung lalake. Mabuti na lang hinayaan kami ng teacher namin na mamili ng sariling grupo basta sundin lamang ang rules niya.  Isa din sa mga rules ng cooking class na ito ay ang kumuha ng recipe, both sa internet at sa libro. Apat na putahe ang ihahain namin.  Noong isang araw pa ito sinasabi sa amin at dahil last subject na rin naman namin ang TLE, ibinigay niya na sa amin ang oras na ito para makapag research at makapamili ng gagamitin. Kaya andito kami ngayon lahat sa library, kami nila elli sa books section dahil kami ang naatasan na maghanap ng recipe sa books. Samantalang yung apat naman na sila lean, eugene,lovely at jeff ay nandun sa computer section.  

"Bakit naman kasi sa lahat ng mapupuntang dish sa atin, french pa talaga." sabat naman ni jhon. 

"Pahirap na nga sa paghahanap ng recipe, pahirap pa sa pagbigkas nung mga pangalan ng dish." Si mark, habang busy sa pagbubuklat ng isa sa mga librong dala niya. 

"Tinapay lang alam ko sa french eh." natatawang sabi naman ni jhon, na ikinatawa din namin.

I shook my head at my groupmates little whining  session, I was about to speak when mark cut me off. 

"Wag ka na jhamila, Don't! kamay mo ang bumunot , ikaw ang nagdala sa atin sa french dish." paratang ni mark. Bahagya din namang natawa ang dalawang kaharap namin. 

I pinched mark's shoulder lightly. "Hoy! hindi ko kasalanan kung tayo talaga ang nakalaan para gumawa ng French dish."  sagot ko sa ngayo'y nakasimangot na si mark at marahang hinihimas ang kaniyang braso. 

"Nakalaan, parang kayo ni jeff, nakalaan." pang asar naman ni elli.

"Lagi mo talagang pinapasok yun eh noh! Hoy! baka akala mo ha! hindi ko pa rin nakakalimutan yung ginawa mo sa akin nung huli." nakaturong sagot ko kay elli. Tumawa lang siya.

"Speaking of that..."  napatingin naman ako kay mark na nakaharap na sa akin, nakapatong pa ang isang braso sa lamesa at matamang nakatingin sa akin. Agad namang kumunot ang noo ko. 

DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon