2nd day ng intrams, as usual busy pa rin ang lahat sa kani kanilang booths at games. Nanalo sila lean kahapon kaya naman may laro ulit sila mamaya.
At dahil busy sila mamayang hapon, nakipagpalit sila ng duty time para dito sa Jailbooth.
"Oh pasok na, yung mga bagong huli dyan." sigaw ni jeff
"pwesto muna kayo kung san nyo gusto, pagod pa ata kayo sa kakatakbo eh" natatawang dugtong naman ni eugene.
Yes, kaming apat ,si ate mish at ang iba pa naming kaklase ang nakaduty ngayon dito sa loob ng jailbooth.
"Anong ipapagawa sa kanila ngayon?" tanong naman ni lean
Ate mish playfully smirk at us before she answered.
"Tug of war" sagot niya.
"wow ah! maximize na maximize ang space." sagot ko naman sa kanya na ikinatawa na lang nila.
Kaya naman talaga ang tug of war dito sa loob lalo pa't konti ang bilang ng nahuli nila ngayon.
Pumwesto na kami sa gitna ng marinig namin ang tunog na hudyat na tapos na ang 5mins ng mga police patrol. Nang makapasok na lahat ng huli ay nag umpisa na si ate mish na kunin ang atensyon nila.
Ate mish just explain the mechanics of the game and since we underestimate their numbers, we decided to have 3 rounds of tug of war to cater them all.
"sa final round, ang mananalong team ay agad agad na makakalabas dito kung; matatalo nyo ang team namin. " agad kaming nakarinig ng iba't ibang reaction mula sa mga prisoner sa huling sinabi ni ate mish
"Kaya kung ako sainyo galingan nyo ang paghila sa mga kalaban nyo para makalaban nyo ang "final boss"at makalabas kayo agad dito." agad namang nagsigawan at tila nabuhayan ang mga tao sa loob dahil sa sinabi ni ate mish.
Matapos mag explain ang mechanics at rules ng laro ay agad nang bumuo ng grupo ang mga nakakulong at nagsimula na.
While the 3rd round is on going, agad na lumapit si lean sa amin.
"oh kayo ang mga kasali sa tug of war final round ah, pwesto na kayo dun sa mga kakampi nyo para mapag usapan nyo na yung strategy nyo, mukhang malalakas Ang kalaban nyo." nakangiting sabi Niya sa amin.
Agad namang naglakad si Eugene papunta sa mga kakampi nila. Napakunot Naman Ang noo ko nang tumigil sa harap ko si Jeff at kunot din Ang noong nakatingin sa akin.
"problema mo?" sigang Tanong ko sa kanya.
"Punta na daw dun sa mga kakampi di ba? ano pang ginagawa mo Dyan? bat nakatayo ka pa?" masungit na sagot Naman nya sa akin na mas lalong ikinakunot ng noo ko
"hoy Hindi ako kasali Dyan" sagot ko sa kanya.
"Tamo tong Taong To." he said, sabay kamot sa ulot Niya. " sabi na nga ba hindi ka nakikinig Kila lean kanina eh" dugtong niya saka tinuro sa mga maglalaro.
"kita mo ba Yan? halo di ba? hindi lang mga lalake Ang naglalaro. Kaya kasali talaga kayo para patas Ang laban" he explained to me quite annoyed.
"eh bakit ako?" I hysterically asked.
sasagot pa sana si Jeff sa akin pero bigla kaming tinawag ni Eugene.
"oo, sige pre." sagot niya Kay Eugene at saka tumingin ulit sa akin.
"Tara na, dami mo pang sinasabi" saad Niya at hinila na ako palapit sa mga Kasama namin.
Tapos na Yung 3rd round ng tug of war at binigyan lamang ng ilang minuto Ang mga winners para makapagpahinga bago makipaglaban sa Amin. Kaya mas nagkaroon pa kami ng time para makapag strategize. Dahil habang pinapanuod namin sila kanina hindi ko naman talaga maitatangi na malalakas talaga sila. Pero dahil competitive ang mga kaklase ko syempre alam kong hindi rin sila magpatatalo. kaya naman heto kami at seryoso pa ring nag memeeting kung paano sila matatalo.
BINABASA MO ANG
Denial
Non-FictionJhamila is a hopeless romantic person, she truly believes in love and a fan of happily ever after. Kaya naman kung tatanungin siya tungkol sa kaniyang ideal man, isa siya sa may mahabang listahan nito. Pero kung may isang ugali na kinaayawan si Jham...
