Chapter 24

6 0 0
                                        

Sa game ni Jeff mas ineenjoy ko na lang yung pagkakataon na makausap si eugene kasi hindi naman madalas ganito ang nangyayari. Kapag nasa room kami pa minsan minsan niya lang kami nagkakaroon ng interactions. Sabi sa akin ni Jeff, ganun daw talaga si eugene hindi siya makulit kapag hindi pa siya comportable or hindi siya close sa tao. 

Seeing how talkative and jolly si eugene ngayon i must say na baka nga binibigyan nya na ako or kami na chance na makapasok sa buhay niya.  Kinakausap at inaaasar nya na kami sa paraan kung paano siya makipag asaran kay jeff. Siguro nga ganun lang talaga silang dalawa ni lean, baka wala naman talagang malisya, mas nauna lang na maging close si lean kay eugene since pinakiusap ko naman iyon sa kanya.  

Tama Jham! Sinabi naman ni Lean na wala na siyang crush kay Eugene. So believe her.  Hindi naman yun magsisinungaling sayo. 

Close lang talaga sila. Advantage ko rin yun since close din kami ni lean. 

Busy ako makipag kulitan  at makipag chismisan kay Eugene nang bigla kong marinig ang sabay sabay na gulat na sigaw ng mga tao sa gymnasium. Kaya naman napatingin ako bigla  sa court.

nakaupo si Jeff. Sabay naman kaming napatayo ni  Eugene pati na rin sila rowie.

"hala si jeff," nag aalalang saad ni rowie 

"anong nangyari?" tanong ko kila jhon.

"hindi ako sure eh, pero parang nabangga ata siya nung kabilang team medyo malakas yung pagkakabangga kaya napaupo yung bata natin."  saad ni Jhon 

"kanina pa nga hindi maganda laro ni jeff eh, nung una naman okay eh, pero after nung timeout nagbago na laro niya. Sablay yung mga tira niya. tapos parang distracted pa siya sa court kaya naagaawan ng bola tapos ayan nga tumumba." kwento naman ni rowie 

Ibinalik ko yung tingin ko kay Jeff. Tinayo na siya ng teammates niya at tumatango tango pa siya. Tinatanong ata nila kung okay lang siya.  Bago magsimula ulit ang laro nakarinig kami ng pito.  Its sign for a substitution. 

"Now entering the game for Senior Strikers, number 27,  Felip  Castor, replacing number 9, Jeffrey Flores,"  the announcer said 

 Nakasunod lang yung mata ko sa kanya habang palabas siya sa court at sinasalubong ng coach at team mates niya. Napatingin rin siya  sa amin bago siya umupo sa bench nila. 

"Pinagpahinga muna si jeff, medyo distracted. ano kayang nangyari" saad ni rowie 

Hindi ko siya pinapansin. diretso lang ang tingin ko kay jeff na ngayon ay nakaupo na sa bench nila at nakatalikod sa amin. Nakapatong ang magkabilang siko sa mga hita niya at bahagyang nakayuko.  Tinapik naman siya ng isa sa teammates niya kaya napa angat siya ng tingin. 

Napatingin ako kay lean at nakatingin din siya sa akin. Yung mga tinging parang may gusto siyang sabihin sa akin. mabilis din naman niyang binawi ang tingin niya sa akin at tumingin sa cellphone niya. 

Maya maya pa ay tumunog ng cellphone ko. 

My Mars Lean: 

Sobrang distracted ni Jeff, mars. Naapektuhan yung laro. Baka matalo sila niyan. Hindi sila makapasok sa semis.

Me: 

Nugagawen? 

I asked playfully kasi sa totoo lang hindi ko rin naman alam  anong gagawin ko.

My Mars Lean:

I bet it's because of his ex-girlfriend. 

 agad akong napatingin sa dako ni lean nang mabasa ko yung sumunod niyang message 

DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon