Pagkatapos ng game at ng mga picture picture ay oras na para bumalik kami sa dressing room namin para makapagpalit kami. Kaya naman nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko.
"Dito din match nyo di ba lean?" tanong ko
"nope, dun kami sa kabilang gymnasium. Basketball ata dito mamaya" sagot naman ni lean
"singles lang ba?" tanong ko sa kanya.
"Yup, tomorrow pa match for semis ng doubles," sagot naman niya.
Tumango na lang ako.
"sige sunod na lang ako dun. Bihis lang ako." paalam ko sa kanila
"sige aalis na rin ako kasi kailangan ko pang maghanda" sagot naman ni lean.
Naglakad na ako pabalik sa dressing room namin. Pagpasok ko ang ingay na ng teammates ko. pinag uusapan nila yung nangyaring game kanina. Nakikinig lang ako sa usapan nila minsan nakikitawa pero tuloy tuloy lang ako sa pag aayos ng gamit.
"kailan daw semis?" tanong ko
"Bukas agad" sagot naman ng isa kanila
"what?!" sabay sabay na reaction namin
"bakit ang bilis" tanong ko
"ay dzaii, isang linggo lang po kasi ang intrams" sarcastic na sagot naman sa akin ni tash.
inismiran ko lang siya at tsaka nagpatuloy sa pag aayos ng gamit ako at sarili.
Nang maayos ko na ang mga gamit ko ay nagpaalam na ako sa kanila.
"oh! mauna na ako ah! see you bukas" paalam ko sa kanila.
Pagkalabas ko ng gymnasium ay agad kong kinuha ang cellphone ko para itext sila eli kung nasa kabilang gym na sila.
"Hoy!"
"ay kalabaw na cute" halos maihagis ko ang cellphone ko dahil sa taong bigla na lang nagsalita sa likod ko.
Kunot noo kong nilingon kung sino man yung animal na yun pero mas lalo lang uminit ang ulo ko nang makita ko kung sino iyon.
Jeff just raised his eyebrows when he saw me. prente pa siyang nakasandal sa pader.
"anong sabi mo? cute ako?"
"Hindi mo narinig yung kalabaw?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya.
"sabi mo Jeff cute" sagot niya.
"feeling!" asar na sagot ko sa kanya.
"ano nanaman bang ginagawa mo ditong hambog ka?" inis na tanong ko sa kanya.
nagkibit balikat lang siya. "nagpapalamig lang!" sagot niya.
"Teka, kung makatanong ka, iyo ba tong gym?" dugtong niya.
"Nagpapalamig? bobo ka ba? kung nagpapalamig ka, sana sa library ka pumunta hindi dito. ewan ko sayong tanga ka." sagot ko sa kanya tsaka nagsimula nang maglakad palayo sa kanya. iniwan ko na siya doon.
" papalamig? sa labas ng gym? engot!" bulong ko sa sarili ko habang naglalakad.
"anong binubulong bulong mo dyan" nagulat ako nang makita ko siyang naglalakad sa tabi ko.
Ang bilis naman ng maglakad ng hambog na to.
"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya
"naglalakad." simpleng sagot niya.
BINABASA MO ANG
Denial
Non-FictionJhamila is a hopeless romantic person, she truly believes in love and a fan of happily ever after. Kaya naman kung tatanungin siya tungkol sa kaniyang ideal man, isa siya sa may mahabang listahan nito. Pero kung may isang ugali na kinaayawan si Jham...
