Chapter 8

7 1 0
                                    


Sour Cream 

Pagkapasok namin sa supermarket, agad na kumuha si eugene ng cart, samantalang si lean naman ay dire diretsong naglakad at nag umpisa nang tumingin ng mga nasa listahan.  Agad ko  naman siyang hinabol, naramdaman ko namang nakasunod lang sa amin si eugene.  

"mozzarella cheese, onions,..... ano pa ba?" isa isang pagcheck ni lean sa mga nasa cart na. Nakatingin lang kami ni eugene sa kanya, 

"uhmmm ang dami pang kulang." bigla siyang tumingin sa akin, pagkatapos niyang tumingin sa relo niya. "jham, eugene okay lang ba maghiwalay na tayo, para di tayo gaanong gabihin?"tanong niya sa amin.  Tumango naman kami ni eugene. Ngumiti siya sa amin. 

"Great! eugene kay jham ka na sumunod, dun lang ako sa meat section. Tapos kayo kunin nyo na yung natitira pang ingredients, I think yung iba dyan nandun sa dulo." dire diretsong sabi ni lean. 

"Sure ka?" tanong ni eugene. 

Tumango naman si lean. "Sige na jham." she said then winked at me. Hindi na iyon nakita ni eugene dahil nakatalikod na siya sa amin. Anong ginagawa ng babaeng to? 

Tumalikod na rin si Lean sa akin kaya, sumunod na rin ako kay eugene.  Nang magpantay kaming dalawa, bigla siyang nagsalita.

"anong pang mga kulang?" tanong niya habang naglalakad at tulak tulak ang cart. Agad ko namang kinuha ang listahan na binigay ni lean sa akin kanina at iniisa isa sa kanya ang mga wala pa sa  cart.  Tumango naman siya at nagpatuloy sa paglalakad. Ang suplado naman nitong taong to. 

Susunod na sana ako sakanya nang biglang tumunog ang cellphone ko. 

"oh lean bakit?" pagsagot ko sa tawag. Napansin ko rin na biglang tumigil si eugene sa paglalakad at humarap sa akin. 

"Wala, gusto ko lang sabihin na galingan mo, gusto mong maging close kayong dalawa di ba? daldalin mo pero wag masyado. Sige na! yun lang, Goodluck!"  hindi na ko nakapagsalita dahil agad din niyang pinutol ng linya. 

"Anong sabi ni Lean?" tanong ni eugene na hindi ko napansing nakalapit na pala sa akin. 

"ah? wala, tinanong lang niya kung naibigay daw niya sa akin yung listahan." kabado akong ngumiti sakanya dahil sa paraan ng pagtingin niya ay parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. 

"sure ka?" paninigurado niya. 

"Oo! ano ka ba? tara na nga,wag mo masyadong intindihin yun si lean malaki na yun." sagot ko sakanya. Hinawakan ko yung kaliwang braso nya at hinila na siya papunta dun sa section kung nasaan yung mga condiments.  

Nang mapagtanto kung ano ang itsura namin dalawa, bigla naman akong kinilig. Ako na hila hila yung isang braso niya, tapos siya naman tinutulak yung cart at nagpapadala lang sa hila ko. Para kaming mag asawa or magkasintahan na naggogrocery. Napangiti naman ako sa naisip ko. 

"jham, kunin mo na yang all purpose flour." utos niya sa akin, habang siya naman ay nasa katapat na shelve kumukuha ng vegetable oil. 

"Ano pa?" tanong niya sa akin habang nilalagay sa cart yung kinuha niya. Agad ko namang binuklat ang nakatuping listahan. Habang tinitingnan ko ito ay biglang nanuot sa ilong ko ang amoy ng pabango niya, senyales na sobrang lapit niya sa akin. 

Kaya naman napa angat ako ng tingin para sana tingnan kung gaano siya kalapit. Agad kong naramdaman ang pamumula ng pisnge ko nang makita ko gaano siya kalapit sa akin.  Seryoso siyang nakatingin sa papel na hawak ko habang ako naman ay mas nagkaroon ng pagkakataon na pagmasdan pa siya ng sobrang lapit. Ilang dangal lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko na kapag gumalaw siya ay paniguradong lalapat ang labi ko sa pisnge niya dahil nakaharap ako sakanya. 

DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon