Kasal
Matapos ang insidente na nangyari kay jeff ay "medyo", medyo lang naman, naging mabait ako sa kanya, at parang ganun din siya. Dahil hindi niya ko masyadong inaasar, wala akong dahilan para mabwiset sa kanya ng sobra at wala din akong dahilan para kausapin siya. Sa madaling salita, naging payapa ang mundo naming dalawa, maging ang mga taong nakapaligid sa amin nitong mga nakaraang linggo.
Ngayon, tahimik lang akong nakikinig sa teacher kong nagtuturo dahil malapit na ang exam at kailangan kong magconcentrate. Dahil kung hindi, konyat ako sa nanay ko pag mababa ang grades na nakita niya.
"okay, now I'll announce who's your partner para sa reporting na ito, maiikli lang naman ang mga topic kaya pwedeng 3 to 4 pairs ang makakapag report sa isang araw." dirediretsong pagpapaliwanag sa amin ng teacher namin bago tumingin sa kaniyang class record, at nag umpisa ng magtawag ng mga magkakapartner.
"What?! Boy and girl?" Narinig kong bulong ni rowie kay ivy.
"Oo dzai! Narinig mo naman di ba?" Sagot naman sa kaniya ni ivy.
"Naku! Wag sanang pabigat yung mapunta sa kin" pagdadasal naman ni lovely.
Tiningnan ko yung iba ko pang kaklase habang nag aannounce si ma'am, halo halong emosyon ang nakikita ko na ikinatawa ko. May mga natutuwa, mayroon din namang mga okay lang parang walang pakialam, at syempre merong parang pinagsakluban ng langit at lupa nang marinig kung sino ang kapareha.
"Okay next! Gonzales and Flores." anunsyo ni ma'am.
What?!
"Yown! na nga ang sinasabi!" sigaw ni lean.
"Disaster!" segunda naman ni mark na ikinatawa ng mga kaklase namin.
"Anong disaster?! That's what you call d-e-s-t-i-n-y. Destiny!" Pang aasar naman ni elli na sinundan ng tawa nitong mga katabi ko.
"UY! Ang galing mo sa spelling! Pambihira." sarcastic kong sabi kay elli tsaka ko sila inirapan.
Napatingin naman ako kay jef at nakita kong parang inaasar din siya nila eugene, pero umiiling iling lang siya.
Pagkatapos mag announce ni ma'am ay inutusan niya kaming tumabi sa kani-kaniya naming partner, na mabilis namang sinunod ng lahat.
"Okay!" Panimula ni ma'am nang makitang nakatabi na kaming lahat sa mga kapartner namin. "Ayos pala yung ganitong seating arrangement eh! Mas magandang tingnan, hindi magulo. Sige! From now on, yan na ang permanent seat nyo hanggang matapos ang school year." sabi ni ma'am, na parang tuwang tuwa pa sa nakikita niya. Samantalang kami naman iba ibang reaksyon ang ibinato sa kanya.
" ano ba kayo! Last year nyo na, dapat nag eexplore kayo, hindi yung puro kaibigan nyo lang yung mga katabi nyo. It's time para makipagkaibigan naman sa iba. Maganda kaya yung may mabubuo kayong bonding as one section, hindi yung hati hati kayo. Tsaka sa subject ko lang naman eh. Unless, gusto din ng ibang teacher nyo na ganito." panunuya ni ma'am sa amin, na lalong ikinabusangot ng mukha ng iba.
Habang iba't ibang reaksyon ang nakikita ko sa mga kaklase ko ito namang katabi ko slash kapartner ko, parang walang naririnig, nakatingin lang kay ma'am.
"Hoy!" Tawag ko sakanya pero hindi ako nilingon.
"Hoy!" Tawag ko ulit pero wala pa rin.
"Hambog!" mahinang tawag ko ulit, sakto lang para marinig naming dalawa, pero parang hindi pa rin ako naririnig.Ah! Ayaw mo ah!
"Aray!!!" angal niya at masamang tumingin sakin, matapos kung pitikin ang tenga niyang malaki.
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Bakit ka namimitik ng tenga? Wala ka bang sariling tenga?" Naiinis naman na sabi niya.
"Eh kanina pa kasi kita tinatawag hindi ka tumitingin." sagot ko naman sa kanya.
"Pakialam mo ba?" inis na sagot naman niya sa akin.
Aba! Talaga nga naman!
"Eh kasi po, para kang tanga dyan! Nakatulala ka lang, malay ko ba kung ako na iniisip mo dyan" sagot ko naman sakanya.
"Pakialam mo naman sa iniisip ko? Chismosa mo talaga." inis na sabi niya tapos inirapan lang ako at tumingin na ulit sa harap.
"Aray!" Sigaw nya nang pitikin ko ulit yung tenga niya. "ano ba?!" galit na dugtong niya.
"Ano bang problema mo?" tanong ko sakanya.
"Ikaw!"sagot naman niya.
"Ako?!!" mataray na balik na tanong ko sakanya.
"Ikaw! Anong problema mo bakit ka namimitik ng tenga?!" Inis na tanong niya sakin.
"Eh kasi nga para kang timang dyan." sagot ko nanaman.
"Alam mo ikaw! Pag ikaw inaasar galit na galit ka, tapos pag di ka naman pinapansin nanggugulit ka! May sapak ka ba?!" Tanong niya.
"Hoy....."
"Parang sila Ms. Gonzales at Mr. Flores" naputol ang sasabihin ko sana kay jef, dahil narinig ko ang pagbanggit ng pangalan namin. Kaya sabay kaming napatingin sa harap.
"Di ba? Close na agad sila, anong malay natin sa graduation silang dalawa na, then after ten years invited na tayo lahat sa wedding nila." patuloy pa ni ma'am habang nakangiting nakatingin samin ni jeff. Sinabayan na rin ng pang aasar ng mga kaklase namin.
"Ma'am baka magdilang anghel kayo nyan." saat ni jhon, kaya tiningnan namin siya ng masama ni jeff.
"Naku! Ganyan mama at papa ko dati eh." pang aasar pa ulit ni ma'am.
"Ma'am naman eh" reklamo ko, pero tinawanan lang nila ako.
" ano ba kasing pinag uusapan nyo at parang seryosong seryoso, na nakalimutan nyo nang pakinggan yung mga sinasabi ko?mind telling us? Para hindi naman kami OP dito." tanong naman ni ma'am.
Sasagot na sana ako ng biglang....
"Kasal ma'am." sagot bigla ng katabi ko. Dahilan ng sigawan ng mga kaklase namin at simpleng pag ngiti ng teacher sa harap.
"Hoy! Anong kasal? Sakalin kaya kita!" Pagalit na sabi ko kay jeff.
Pinagsasabi ng hambog na to?
Nang aasar na ngumiti lang siya sakin pagkatapos ay tumingin ulit kay ma'am.
"Narinig nyo ma'am, sasakalin na daw ako." pagsusumbong niya, pagkatapos ay ibinalik ang tingin sakin.
" wag muna, mag iipon pa ko para mabigyan ka ng magandang kasal at buhay." dugtong pa niya na lalong ikinaingay ng mga kaklase namin.
Naramdaman ko bigla ang pang init ng mukha ko, na paniguradong namumula na dahil sa hiya.
"Hala oy! Si jham namumula" pang aasar ni eli.
"Oy! Hindi ah!" Pagtatanggi ko. tsaka tiningnan ng masama si jeff "pinagsasabi mo dyang hambog ka! Hoy! Kahit ikaw na lang natitirang lalake sa mundo hindi kita pakakasalan, mas gugustuhin ko pang makasal sa iguana kesa sayo noh." dire diretsong sabi ko na ikinatawa ng lahat, pati siya na pulang pula pa. Damuhong to!
Gustong gusto talaga ng attention lagi, idadamay pa ko.
"Oh! Tama na nga yan! Nililibang nyo nanaman ako ah! Kayo talaga!" Sabi ni ma'am sa buong klase pagkatapos ay tumingin sa amin.
"Jham ,jeff, next time iwasan na ang pagkikwentuhan tungkol sa kasal sa klase ko ah" nang aasar na paalala sa amin ni ma'am. Napatingin naman ako ng masama ng mapansing tumango tong hambog na katabi ko, habang tumatawa tawa pa.
I just rolled my eyes at him and decided to just focus on what our teacher's saying.
"I forgot to tell you class, yung kapartner nyo sa reporting yan na din ang kapartner nyo sa research nyo para hindi na mahirap okay?" Sabi pa ni ma'am.
Agad naman kaming sumagot nang labag sa loob namin, syempre nakapag desisyon na ang teacher namin kokontra pa ba kami?
Pero agad na nanlamig ang buong kalamnan ko, nang mapagtantong.....
Stuck ako sa kanya sa subject na to until the end of school year?! Lord! Parusa ba to?
End of Chapter 5
BINABASA MO ANG
Denial
Non-FictionJhamila is a hopeless romantic person, she truly believes in love and a fan of happily ever after. Kaya naman kung tatanungin siya tungkol sa kaniyang ideal man, isa siya sa may mahabang listahan nito. Pero kung may isang ugali na kinaayawan si Jham...