Chapter 11

3 0 0
                                    

Nang makababa ako sa tricycle, agad akong naging pamilyar sa café na pinuntahan namin. Malapit lang naman ito sa school, kayang lakarin pero dahil mainit nagpasya kami na sumakay na lang. Gutom na rin ata talaga itong kasama ko.

"Inyo to?!" tanong ko kay Jeff nang matapos siyang makapagbayad sa driver.

Nagtataka siya sa reaksyon ko pero tumango pa rin naman siya bilang sagot.

"Bakit? Tanong niya habang nilalagay ang parehong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya.

Nagkibit balikat lang ako. Inaya ko na siyang pumasok sa loob. Nagulat pa nang pagbuksan niya ako ng pinto at sumenyas na mauna akong pumasok.

"Wow! Gentleman ka na nyan?" pang asar ko sa kanya nang nasa may pinto na ako.

"Wag ka ng mang asar, pumasok ka na sa loob at baka magbago isip ko, isara ko bigla tong pinto habang nandyan ka." Nakataas ang kilay na sabi niya sa akin.

Sinimangutan ko lang siya at naglakad na papasok ng café.

Pagkapasok ko, may matangkad na babaeng nakangiting naglalakad palapit sa akin galing sa counter.

She looked strict; her aura is kinda intimidating, kahit pa nakangiti ito.

Nang tuluyan na siyang makalapit sa amin ay biglang sumulpot si Jeff sa unahan ko.

"Ate!" bati niya sa babae tsaka ito niyakap. Gumanti rin naman ng yakap ang ate niya.

Nakatayo lang ako hindi kalayuan sa kanilang dalawa. Pinagmamasdan ko si Jeff na parang naging ibang tao nung nakita niya ang ate niya. Si Jeff na seryoso lang lagi ang mukha ngayon, I saw how it became softer. Hindi ko masyadong nakikita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin pero nakikita ko ang reflection niya sa salamin na nakaharap sa akin.

"Akala ko sa ibang branch ka today?" he asked sweetly. Halos nanlaki ang mata ko ng marinig yun. Never in my wildest dream ever since I've known him, na naisip ko na may ganito siyang side. He looked and sounded like a baby in front of his sister.

Nginitian lang siya ng ate niya at tsaka dumungaw sa likod ni Jeff. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan nang diretso siyang tumingin \sa akin. Napalunok ako nang biglang siyang ngumiti. Lumingon din si Jeff sa akin na parang nakalimutan na ata na kasama niya ako nung nakita ang ate niya.

Naglakad sila palapit sa akin. Gusto ko sana silang salubungin pero para akong naestatwa. Hindi ko alam kung natatakot ako sa ate niya o nasa starstruck ako kasi ang ganda din talaga niya. Sa lahat ata ng resting bitch face na nakita ko sa kanya yung walang sawa kong titigan.

"Hi, Jham right?" nakangiting bati niya sa akin nang makalapit sa akin.

"Yes po, Hello. Jhamila, classmate po ni Jeff." Pakilala ko, nilahad ko pa ang kamay ko. She glances at it before she smilingly accepted it.

"Ang formal mo naman, Relax, I'm Jeff's Elder sister, actually only sister. Jayleen." She said.

Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya. Mukha namang napansin niya ito dahil bigla siyang bumaling kay Jeff. Ganun din ang ginawa ko, kaya nahuli ko si Jeff na nakangiti habang nakatingin sa amin.

"Ate, Gutom na kami, san seat namin?" tanong ni Jeff.

"Kanina ko pa nga kayo hinihintay nagtataka ako, kasi sabi mo lunch eh past 12 na wala pa kayo, akala ko hindi tuloy eh." Her ate said.

"Naku, sorry po, hindi ko po kasi napansin yung oras, masyado po kaming nawili sa paggawa ng report. Nagutom ko pa ata itong si Jeff." Nahihiyang sagot ko sa ate niya.

DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon