Aso't Pusa
si jham crush si jeff!
Halos magpanting ang tenga ko nung marinig ko yun pero hindi rin ako makagalaw sa kinauupuan ko.
Dahil sa sinabi ni lean, napatingin sa amin ang mga kaklase namin at sabay sabay nila akong inasar. Habang papalubog na ko sa kinauupuan ngayon, nakita ko ang bruhang si lean na tatawa tawang nakatingin sa akin. Kaya binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin.
Nagawi rin ang tingin ko sa side nila chinits at nakita ko si jeff na tumatawa tawa habang yung mga kaibigan niya inaasar siya, pati si chinits nakikisali.
Hindi rin nakatakas ang pag iling iling niya habang nakangisi. Feeling!
Dahil sa nakita, mas lalong nag init nag pisnge ko kaya bumaling ako kay lean at bahagya siyang sinabunutan. Konti lang muna, tsaka ko na siya kakalbuhin.
"HOY BRUHA KA IMBENTO TO!!" Sigaw ko kay lean para marinig din ng lahat LALO NA SIYA!
"Sinasapian ka nanaman ng pagiging imbentor mo! Ikaw talaga, asan na ba gamot mo?" Sarcastic na tanong ko sakanya tsaka ko siya plastic na nginitian.
At ang bruha tinawanan lang ako. Sanay naman na ko sa babaeng ito sadyang may sapak. Kaya hinayaan ko na lang.
Dahil sa nangyari medyo naging tahimik ako buong klase hanggang sa mag uwian.
Tahimik akong nag aayos ng sarili nang biglang may naisip na kalokohan. Its saturday! walang pasok pero nagkayayaan, kaya may gala ang barkada.
I smirked at my reflection in the mirror, before shouting my lungs out. Ilang sandali lang narinig ko na ang malakas na pagbukas ng pinto ng kwarto ko.
"oh bakit?" hingal na tanong ni mama nang makapasok. Halatang tumakbo paakyat.
Takot akong tumingin sa kanya habang tinuturo ang salamin.
"ohh anong meron?" nagtatakang tanong niya.
I scoffed before I put my arm around her shoulders. Nilapit ko pa ng konti yung mukha namin pareho sa salamin.
"Ma?" Bulong ko.
"Oh?" takang takang sagot naman niya at seryosong nakatingin sa repleksyon naming dalawa.
"Hindi mo ba nakikita?" tanong ko ulit. Nagpipigil ng tawa dahil sa mukha ni mama na puno ng pagtataka.
"Ang alin ba?" medyo inis na niyang tanong.
"Na ang ganda ganda ko! Shocks! Tingnan mo ma oh! dyosa! Myghad!" Dire diretso kong sabi sakanya.
Bigla namang kumalas si mama sa pagkaka akbay ko sakanya at marahan akong binatukan.
"aray!" daing ko habang nakahawak sa ulo ko at nakasimangot nang nakatingin sa kanya.
"lintek ka! akala ko kung ano na, mga kalokohan mo talaga jhamila." inis na sabi sakin ni mama.
I just gave her a mischievous smile and peace sign. She just shook her head and came out of my room, murmuring something.
Pagkalabas niya napangiti naman ako dahil sa ginawa ko.
At dahil tapos na rin naman ako mag ayos kinuha ko na yung bag ko at sumunod na ko kay mama palabas ng kwarto ko.
Pagkababa ko ay naabutan ko si mama na nasa kusina. Lumapit ako para humalik at magpaalam na aalis na.
Pagdating ko sa park, kung san napagkasunduan na magkita kita ay agad kong natanaw si lovely sa may swing.
BINABASA MO ANG
Denial
Non-FictionJhamila is a hopeless romantic person, she truly believes in love and a fan of happily ever after. Kaya naman kung tatanungin siya tungkol sa kaniyang ideal man, isa siya sa may mahabang listahan nito. Pero kung may isang ugali na kinaayawan si Jham...