Chapter 17

4 0 0
                                    

"Oo, so san tayo next weekend? Uh huh? Sayang nga eh wala tayong lakad ngayon. Ako napapagod? Sus, alam mo namang yan lang ang kasiyahan ko bakit ako mapapagod?"

Pinagmamasdan ko lang si mama habang magkaharap kami sa hapag at busy siya masyadong makipag usap sa amiga niya na halos hindi niya na ginagalaw ang pagkain niya. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Sanay na sanay ako na kung wala siya dito sa bahay, lagi naman siyang may kausap sa telepono tuwing napipirmi siya dito.

"ah ganun ba? oh sige, text nyo na lang ako tungkol sa plano ah! O sige!" malakas siyang tumawa bago ibinaba ang kaniyang cellphone.

"ma!" mahinang tawag ko sa kanya.

"oh?" sagot naman niya; ni hindi man lang tumungin sa akin, patuloy lang siya sa pagkalikot sa cellphone niya.

"uhm, nakita nyo po ba yung announcement sa group nyo?" tanong ko sa kanya.

"anong group?" tanong naman niya, hindi pa rin tumitingin sa akin.

"Yung group ng mga parents? Sa school." sagot ko naman.

Nag angat siya ng tingin

"ah! Yun ba? Oo, kailan nga ulit yun?" tanong niya.

"Next week ma, Friday." Sagot ko naman.

Tumingin siya sa akin.

"naku anak, pasensya ka na, may importanteng meeting ako nun eh. Tanong mo papa mo kung pwede siya. Hindi ko kasi pwedeng ireschedule yun eh. Tanong mo na lang papa mo ah." Sagot niya sa akin.

"pero---" may sasabihin pa sana ako sa kanya pero naputol ito nang biglang tumunog ulit ang cellphone niya. Nakangiti niya naman itong sinagot at tumayo na para lumayo sa dining table namin. Pero bago siya tuluyang umalis ay inutusan niya muna akong magligpit ng pinagkainan namin.

Pagkatapos ko magligpit sa baba ay dumiretso na ako sa kwarto ko habang nasa sala naman ang nanay ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ang papa ko.

"Oh anak?" bati niya sa akin.

"Pa! nabasa nyo po ba yung announcement sa group nyo?" tanong ko.

"Ahh oo, sa Friday di ba?" tanong niya.

"Daddy!! Let's play!!!" rinig ko sa background niya maging ang tawa ng kanyang asawa.

"okay! I'll just finish this hm?" malambing na sagot ng tatay ko.

"Ano yun? I'm sorry jham ang kulit kasi ng kapatid mo." Saad niya.

"Uhm, itatanong ko lang po kung pwede kayo. Hindi daw kasi pwede si mama. I was just wondering kung pwede na kayo this time?" mahinang sambit ko.

Actually, hindi na ako nag eexpect na, oo siya dahil lagi namang ganun. Ever since he didn't make time for me, lagi ako lang yung pupunta dun para magkaroon kami ng time sa isa't isa.

"what time is it?" tanong niya.

Can you just answer me, if yes or no? para hindi na ako aasa? Gusto ko sanang isagot sa kanya.

"9 am" simple sagot ko.

"Okay. Ako na." sagot naman niya.

Agad kong naramdaman yung paglundag ng puso ko. Wow! For the first time since they separate, I'll have a parent in the meeting.

"talaga po?" masiglang tanong ko.

"yup!" sagot naman niya.

"thank you pa!" masayang sagot ko.

"O sige, just text me on Friday, Okay? I'll see you. Sige na tawag na ng tawag ang kapatid mo." Sagot naman sa akin.

"Sige po, Thank you po ulit." Sagot ko at tsaka masayang ibinaba ang telepono.

DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon